Search
  • BULGAR

Ilang beses maaaring gamitin ang mga larawang ipinasa sa school journal?

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | June 30, 2020


Dear Chief Acosta,

Isa akong student photographer at nagpapasa ako sa aming school journal kada buwan ng mga kinuha kong larawan. Nais kong malaman kung ilang beses ba maaaring gamitin o i-publish sa aming journal ang mga larawan na pinasa ko sa kanila? Katherina

Dear Katherina,


Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong katanungan ay ang Section 180.3 ng Republic Act (R.A.) No. 8293 o mas kilala sa tawag na Intellectual Property Code of the Philippines kung saan nakasaad na:


180.3. The submission of a literary, photographic or artistic work to a newspaper, magazine or periodical for publication shall constitute only a license to make a single publication unless a greater right is expressly granted. x x x. (Binigyang-diin)

Sang-ayon sa nabanggit, ang pagpasa ng mga literary, photographic o artistic works sa isang pahayagan, magazine o periodical ay nangangahulugan ng pagbibigay sa kanila ng lisensiya na ilathala ang mga gawang ito ng isang beses lamang. Maaari lamang nila itong ilathala ng mahigit sa isang beses kung ang karapatang ito ay malinaw na sinabi o ibinigay sa kanila ng author o may-gawa ng mga nasabing akda.


Ibig sabihin, isang beses lamang maaaring gamitin ng inyong journal ang mga litratong pinasa ninyo sa kanila kung hindi ninyo sila binigyan ng malinaw na karapatan upang ilathala ang mga ito ng mahigit sa isang beses.


Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.