Iba't ibang kahulugan ng halik
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | June 12, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Danica ng Lucban, Quezon.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na hinahalikan ako ng dyowa ko, at ang sweet niya sa akin. Kinabukasan ay napanaginipan ko na hinalikan ng ibang babae ang dyowa ko. Ang ginawa ko ay hinalikan ko ‘yung best friend ko para magselos siya.
Ano ang ibig sabihin ng mga panaginip ko?
Naghihintay,
Danica
Sa iyo, Danica,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na hinalikan ka ng dyowa mo at sweet siya sa iyo ay tapat ang pag-ibig niya para sa iyo, at balak ka niyang pakasalan.
Ang hinalikan ng ibang babae ang dyowa mo ay nangangahulugang may ibang babaeng nagkakagusto sa dyowa mo. Type na type siya nito, at magiging mahigpit mo siyang karibal sa puso ng iyong dyowa, dahil gagawin niya ang lahat upang maakit ang iyong dyowa.
Samantala, ang hinalikan mo ang bestfriend mo para pagselosin ang dyowa mo ay nagpapahiwatig na ang bestfriend mong naturan ay hindi mapagkakatiwalaan. Posibleng mainlab siya sa iyo, at aakalain niya na may pagtingin ka rin sa kanya.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments