top of page
Search
  • BULGAR

IATF-DOH, hindi pinayagan ang CTG-Pilipinas na ituloy ang torneo

ni VA - @Sports | September 26, 2020




Hindi inaprubahan ng Inter-Agency Task Force ang aplikasyon ng Chooks-To-Go Pilipinas 3x3 para maipagpatuloy ang kanilang torneo noong Huwebes ng hapon sa kabila ng istriktong pagsunod na ginawa ng liga sa mga guidelines na isinasaad ng Joint Administrative Order.


Sanhi ito ng ginawang pag-aatas ng Department of Health na ang papahintulutan lamang ang mga torneong isasagawa sa pamamagitan ng isang full-on bubble.


Nagsumite ang kauna-unahang professional 3x3 basketball league ng bansa ng isang semi-bubble set-up para sa President's Cup na idaraos sana sa loob ng apat na araw sa Inspire Academy sa Calamba, Laguna.


Dahil dito, nagpatawag kaagad si Chooks-to-Go Pilipinas 3x3 president Ronald Mascariñas ng emergency meeting upang makapagplano ng isang full bubble para sa FIBA 3x3-endorsed league. "We are committing to doing a full bubble with each conference taking place inside Inspire Academy for 15 days," wika ni Mascariñas.


Aniya ay pipilitin nilang makakuha ng kaukulang clearance bago ang naitakdang target date ng kanilang muling paglalaro na Oktubre 2.


Samantala,nangako naman si Games and Amusement Board chairman Baham Mitra na tutulungan sila sa kanilang apela.


Nauna rito, pinuri ng GAB at ng Commission on Higher Education ang ginawa ng Chooks-to-Go Pilipinas 3x3's protocols ng mga namumuno sa liga. "Nakita ko ang ginawa nila Eric Altamirano sa UP. Ang ganda. Dapat ito ang model ng amateurs," ayon kay CHED chairman Popoy De Vera patungkol sa workouts na isinasagawa ng mga teams ng Chooks -to-Go sa UP Epsilon Chi Center sa Diliman. “I’m impressed with the preparations being done by Chooks-to-Go,” wika naman ni Mitra. “They did not just meet the requirements but also improved on their submitted safety protocols.”

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page