Search
  • BULGAR

Hungary, bilib sa ‘Pinas sa paglaban sa COVID-19

ni Lolet Abania | October 16, 2020




Bukas ang Hungary sa pakikipagtulungan sa Pilipinas sa posibleng gagawing mga programa para labanan ang COVID-19, ayon sa Foreign Minister ng nasabing bansa.


Kasalukuyang tinatalakay ang global pandemic at ang response ng bansa sa Coronavirus sa pagitan nina Hungarian Foreign Minister Peter Szijjarto at Department of Foreign Affairs (DFA) Sec. Teodoro Locsin sa Manila at tinatapos na rin ang iba pang detalye tungkol sa pagsasamahang proyekto.


“I think international cooperation and coordination has a significance now so I think we need to harmonize our efforts,” sabi ni Szijjarto, unang high-ranking foreign government official na bumisita sa Manila mula nang magpatupad ang pamahalaan ng mahigpit na lockdown noong March.


“We are absolutely open to that,” ani Szijjarto. Samantala, nakapagtala ang Hungary ng 41,732 cases, 12,628 nakarekober at 1.052 namatay habang ang Pilipinas ay may 348,698 cases, 6,497 ang nasawi at 294,161 ang gumaling sa COVID-19.


Labis ang paghanga ng Hungary sa Pilipinas dahil sa kabila ng mataas na kaso ng infection ng Coronavirus, patuloy na nakikita sa mga Pinoy ang matinding disiplina at katatagan sa buhay.


Ibinubuhos din nang husto ng gobyerno nito ang pagtugon sa pandemya, ayon sa diplomat. “I understand that the pandemic caused huge health challenge here in the Philippines and I would like to tell you that we recognize and respect a lot the measures the administration made here,” sabi ni Szijjarto.


“I see people are extremely disciplined here wearing the mask and the face shield and keeping the distance from each other.” “The good and timely decisions of the Duterte administration and the very disciplined behavior of the Filipino citizens made it possible to keep the virus under control,” sabi pa ni Szijjarto.


“Keeping the virus under control helps the economy to recover as soon as possible.”

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.