top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | Setyembre 25, 2020 (Biyernes)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| September 25, 2020



Sa may kaarawan ngayong Setyembre 25, 2020 (Biyernes): Gamitin mo ang iyong malikhaing kaisipan kung paano pauunlarin ang iyong buhay dahil ito mismo ang susi mo sa tagumpay.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mandaraya ang isip kung saan inililigaw at inilalayo ka nito sa katotohanan. Maaaring madaya ka ng iyong sarili kapag hindi mo nabalanse ang pagmamahal at ang pangkabuhayang aspeto ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-yellow.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi lahat ay aayon sa iyong kagustuhan, normal lang naman ito sa buhay ng isang tao. Huwag mong intindihin ang mga nagsisikontra sa iyo dahil sasakit ang iyong ulo at damdamin. Masuwerteng kulay-purple.

GEMINI (May 21-June 20) - Muling mapatutunayan sa iyo na rito sa mundo, palakasan lang naman ng loob. Ang mahina, bukod sa malulungkot ay hindi aasenso. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-pink.

CANCER (June 21-July 22) - Ituturo sa iyo ng malapit mong kaibigan kung ano ang pinakamabuti sa iyo. Kailangan mong sumunod at hindi dapat mangyari ang tulad sa guro na hindi inintindi ng tinuruan. Masuwerteng kulay-beige.

LEO (July 23-Aug. 22) - Walang laman ang magaganda at nakaaakit na bula. Hindi dapat mahulog ang loob mo sa nakaaakit magdamit at magsalita dahil masasayang ang iyong panahon. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong kayanin ang hindi mo kaya at huwag mo ring kayanin ang makakaya mo pero mahihirapan ka. Kung saan ka madadalian, doon ka. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Piliin mo ang iyong mga kaibigan na sasamahan. Hindi sapat ang basehan na sasaya ka. Ang magandang pagbatayan ay kung susulong ang buhay mo sa pagsama sa kanila. Masuwerteng kulay-violet.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pagsasakripisyo ang isa sa mga papel mo sa mundo. Ang papel naman ng langit sa buhay mo ay bigyan ka ng magandang kapalaran dahil sa mga hirap at pasanin mo sa balikat. Masuwerteng kulay-peach.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ingat! Marami ang naghahangad sa puwesto mo. Hindi naman nila ito makukuha, kaya lang, pasasakitin nila ang ulo mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-red.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Muli, unahin mo ang sarili mong kapakanan. Maganda ring mapasaya mo ang iyong kapwa, pero ang higit na maganda ay ang sarili mong kinabukasan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hayaan mo lang na umalis ang may ayaw sa iyo. Pansamantala lang ito dahil nagbabalikan ang mga umayaw sa iyo. Ito ang sikreto ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Manghiram ka ng ideya, hindi dahil kapos ka. May mga ideyang puwede mong gamitin na magdadala sa iyo sa mas malalaking tagumpay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page