Search
  • BULGAR

Horoscope | Hunyo 30, 2020 (Martes)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| June 30, 2020



Sa may kaarawan ngayong Hunyo 30, 2020 (Martes): Isinilang ka para mamuno. Ibig sabihin, hindi ka tagasunod at ito ang dahilan kung bakit palagi kang may kasamang alalay.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ipakita mo na ikaw ang magsasabi ng kung ano ang gagawin dahil ikaw ngayon ang magsisilbing gabay na magdadala sa mga nasa paligid mo ng kaginhawahan sa buhay. Masuwerteng kulay-white.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ngayon ang araw kung kailan papaboran ka ng nakatataas ang mga ranggo sa buhay. Magsabi ka kung ano ang kailangan mo at ng kapwa mo. Masuwerteng kulay-green.

GEMINI (May 21-June 20) - Itaas mo ang antas ng iyong layunin sa buhay. Nalalapit ka nang magsawa sa mga pangkaraniwang bagay, kaya kung itataas mo ang iyong layunin, babalik ang iyong lakas at sigla. Masuwerteng kulay-yellow.

CANCER (June 21-July 22) - Alipin mo ang may pagtingin sa iyo na tinitingnan naman ng iba, pero sa iyo siya susunod dahil muli, siya ay iyong alipin. Ito ang hiwaga ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-purple.

LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi magtatagal sa iyong harapan ang may masamang motibo. Hindi niya kakayanin ang lakas mo at masisilaw siya sa kalinisan ng puso mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Sa iyo manggagaling ang talino ng namumuno sa maraming tao. Ang mga salita mo ay susundan niya tulad ng pagsunod niya sa agos ng ilog na ang dulo ay kasaganaan ng buhay. Masuwerteng kulay-beige.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong sayangin ang mga mapapala mo sa bagong pakikipagkaibigan sa may kakayahang bigyan ka ng masarap na buhay. Huwag mo nang ulitin na dahil sa saya mo ay namimigay ka. Masuwerteng kulay-blue.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ingatan mong mahawa ang sarili mo hindi sa kinatatakutang sakit kundi sa mga taong ayaw nang mangarap pa. Sa huli, masusumpungan nila ang kanilang mga sarili na nagsisisi. Masuwerteng kulay-black.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ibahagi mo sa iyong kapwa ang mga biyayang mapasasaiyo. Magpapatuloy ang pagganda ng iyong kapalaran kahit nakararanas ka ng panandaliang paghinto. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kapag puno na, aapaw na. Pero ang hindi pa puno ay may paglalagyan pa. Kapag tinulungan mo ang nangangailangan, magkakarga ka pa sa buhay mo ng magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-peach.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Tumingin ka sa kaya kang tulungan sa iyong mga pangarap. Hindi mo dapat isara ang iyong mga mata sa mundo ng kawalan ng pag-unlad. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung ano ang nagdala sa iyo ng magandang kapalaran, ito ang muli mong isabuhay. Huwag ka nang sumubok pa ng bagong ideya. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-brown.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.