Search
  • BULGAR

Horoscope | Hunyo 29, 2020 (Lunes)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| June 29, 2020



Sa may kaarawan ngayong Hunyo 29, 2020 (Lunes): Huwag kang magsasawa na tumulong sa kapwa. Ito ang misyon mo sa lupa at ang langit ay magkakaloob sa iyo ng maraming biyaya at pagpapala.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Maaawain ka ngayon, kumbaga, madali kang maaawa. Mas magandang lumayo ka muna sa mga malapit sa iyo na mahilig magpaawa dahil madadaya ka. Hindi naman sila totoong nakakaawa. Masuwerteng kulay-brown.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magbigay ka at makakatanggap ka. Ang matatanggap mo ay mas marami kaysa sa ibibigay mo. Isabuhay mo ang pagiging mapagbigay nang sa gayun ay mas dumami pa ang iyong mga biyaya. Masuwerteng kulay-white.

GEMINI (May 21-June 20) - Bigyan mo ng oras ang malalapit sa puso mo. Ngayon ang magandang pagkakataon para palaguin ang pagmamahal at pagtibayin ang samahan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green.

CANCER (June 21-July 22) - Sa iyo ang araw na ito, gayudin ang mga araw na darating. Huwag kang magkakamali, ang pagpapatatag ng kinabuksaan ay ang iyong unang pahalagahan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow.

LEO (July 23-Aug. 22) - Mahina ang panlaban mo sa mga mandaraya at nananamantala sa kababaang-loob ng kapwa na tulad mo. Mas magandang mapasaya mo muna ang mga mahal mo. Masuwerteng kulay-purple.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magplano ka bago kumilos. Ang walang plano ay walang magandang maaabot. Sa pagpaplano, ang lahat ay mabilis na naisasagawa nang maayos. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang sumalungat sa agos ng buhay. Makiisa ka sa karamihan kahit hindi mo gaanong gusto ang mga nakikita mo dahil hindi ngayon ang pagkontra at pakikipaglaban. Masuwerteng kulay-beige.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung sino ang nakatutulong sa iyo, siya ang bigyang-halaga mo. Ang mga taong walang naibibigay ng alalay sa iyo ay puwede mo nang layuan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung ano ang malinaw at maayos na paraan, ‘yun ang iyong ipatupad. Hindi magandang makipagsapalaran sa wala namang linaw kung ano ang magiging resulta. Masuwerteng kulay-black.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Pakinggan mo ang iyong damdamin. Ang inuutos ng isip ay magbibigay lang ng kalungkutan kahit ito ay tama. Ang kaligayahan sa damdamin ang mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-violet.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi ikaw ang palaging tama. Sa ngayon, ang pakinggan mo ay ang malapit sa iyo dahil higit niyang alam ang iyong kahinaan at kalakasan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kumilos ka kahit nakadarama ka ng katamaran at pananamlay. Sa pagkilos, sisigla ang buhay mo at magsisimula kang ganahan na asikasuhin ang pagpapaganda ng kinabukasan. Masuwerteng kulay-red.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.