Search
  • BULGAR

Horoscope | Hunyo 28, 2020 (Linggo)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| June 28, 2020



Sa may kaarawan ngayong Hunyo 28, 2020 (Linggo): Hindi ka mauubusan ng mga suwerte dahil palaging nakabantay sa iyo ang langit na kapag talagang kailangan mo, agad kang bibigyan.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Masuwerte ka at ang malalapit sa iyo. Ang mga kontrabida sa buhay mo at walang tiwala sa iyo ay makakaranas ng pag-atras ng kapalaran kung saan sila ay pansamantalang hindi papalarin. Masuwerteng kulay-red.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mag-ipon ka muna ng mga kaalaman bago mo pasukin ang hanapbuhay na sa totoo lang ay kaunti lang ang iyong nalalaman. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-brown.


GEMINI (May 21-June 20) - Magkikislapan ang mga pangyayari sa iyong harapan at baka maakit ka sa mga kislap at makalimutan mo ang paghahanda para sa iyong kinabukasan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white.

CANCER (June 21-July 22) - Hinihintay na ng langit ang iyong kahilingan. Huwag mo na itong palamutian ng kung anu-anong pananalita at huwag mo na ring samahan ng paliwanag. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green.

LEO (July 23-Aug. 22) - Pagbutihin mo ang paniniwalaan mong paraan ng pagpapaunlad ng kabuhayan. Hindi ka mabibigo at ang mapapahiya ay ang mga hindi naniniwala. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong palagpasin ang magandang pagkakataon na nasa harapan mo. Ngayon mo na kailangang simulan ang pagbuo ng magandang kinabukasan para sa iyo at sa mga mahal mo. Masuwerteng kulay-purple.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ipanatag mo ang iyong kalooban dahil kahit ang Haring Araw ay nawawala kapag namamahinga sa Kanluran. Ang mga nararanasan mong hindi maganda ay panandalian lang na mga kaganapan. Masuwerteng kulay-pink.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magparaya ka. Minsan ay maganda rin ang marunong magparaya dahil natutuwa ang langit at siya ay mapabibilang sa mga makatatanggap ng magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-beige.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ipahinga mo ang iyong isipan dahil hindi lang ang katawan ang napapagod. Dapat alam mo na ang isipang hindi nakapagpahinga ay maglalakbay sa mundo ng kababalaghan at pantasya. Masuwerteng kulay-blue.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Patatagin mo pa ang buhay mo at ang isa sa mga paraan ay huwag kang gasta nang gasta at tanggihan mo rin ang lumalapit sa iyo na ‘di naman marunong tumupad sa pangako. Masuwerteng kulay-black.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ihanda mo ang iyong sarili dahil hindi mabilang ang mga suwerte na magdaratingan sa iyo. Kung hindi ka nakahanda, maaaring ang marami sa mga ito ay hindi mo mapakinabangan nang todo. Masuwerteng kulay-violet.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mas malakas ng balik ng mga suwerte kapag nakabuwelo. Namamahinga lang ang mga suwerte at muling magpaparamdam sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.