Search
  • BULGAR

Horoscope | Hunyo 27, 2020 (Sabado)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| June 27, 2020



Sa may kaarawan ngayong Hunyo 27, 2020 (Sabado): Malayo ang iyong mararating. Aktuwal na malayo ang iyong mapupuntahang mga lugar dahil nasa malayo ang iyong malalaking suwerte sa buhay.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nagbalik ang talas ng iyong isipan. Ang magagandang ideya na maiisip mo ay agad mong ipatupad. Ang mga ito ang magbibigay sa iyo ng nakagugulat na magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-peach.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Panoorin mo ang mga kilos ng tao. May makikita kang bagay na kapag iyong isinabuhay ay lalago ang kabuhayan mo kung saan ang kaban-yaman mo ay aapaw nang husto. Masuwerteng kulay-red.

GEMINI (May 21-June 20) - Kitang-kita mo ang mabilisang paraan ng pagpapayaman, pero hindi mo ito basta magagawa dahil ikukonsidera mo muna kung ang taong malapit sa iyong puso ay hindi kokontra. Masuwerteng kulay-brown.

CANCER (June 21-July 22) - Ingatan mong maglakbay ang isipan mo sa mga bagay na pagpapantasya lang. Ingatan mo rin ang isipan mo na mabihag ng mga negatibong pananaw. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white.

LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag kang mag-alala kung sa biglang tingin ay matayog ang iyong ambisyon. Ang totoo, matataas na puwesto sa buhay ang nakalaan sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hati-hatiin mo ang oras mo. Sa ganitong paraan, hindi ka gaanong mahihirapan pero kapag pinagsabay-sabay mong tutukan ang mga gusto mong gawin, hihina ang iyong kalusugan. Masuwerteng kulay-yellow.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nasa masasayang kaibigan ang mga suwerte mo. Mahirap paniwalaan at mahirap ding sundin ang payo sa iyo na bigyang-saya mo sila, lalo na ang nalulungkot mong mga kaibigan. Masuwerteng kulay-purple.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Lumayo ka sa mahirap kausap. Bakit mo pagtitiyagaan ang hindi makaintindi? Mas magandang dikitan mo ang mga taong mabilis ang pag-iisip. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ituwid mo kapag mali. Inaasahan na ikaw ang magtuturo kung ano ang tama. Sa pagtupad mo sa misyong ito ng buhay mo, huwag kang kakampi sa kahit na sino. Masuwerteng kulay-beige.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung sino ang nakakatulong sa iyo, siya ang hindi dapat mawala sa buhay mo. Huwag mo rin siyang ipagpalit sa mga bagong kakilala na mga pangako lang ang dala. Masuwerteng kulay-blue.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Lumayo ka sa mga alam mong nabubuhay na may lihim. Puwede kang mahawa sa kanila at sa huli ay magkaroon ka rin ng lihim. Hindi mapapanatag ang buhay mo sa ganito. Masuwerteng kulay-black.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kapag may suwerteng dumapo sa iyo sa araw na ito, ipamigay mo ang iba. Sa ganitong paraan, muli at muli kang bubuwenasin sa buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.