Search
  • BULGAR

Horoscope | Hunyo 26, 2020 (Biyernes)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| June 26, 2020



Sa may kaarawan ngayong Hunyo 26, 2020 (Biyernes): Unahin mo ang sarili mo na umasenso bago mo payamanin ang iba. Dahil likas kang masuwerte, marami ang lihim na gagamit sa suwerte mo.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Tatakutin ka ng sarili mo, pero bakit ka naman matatakot? Makikitang maduduwag ka dahil minsan, ang sarili ay mahirap kalaban. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-violet.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Pinatatag pa ng langit ang iyong personalidad at ito ang dahilan kung bakit nakakaranas ka ng ilang hamon ng kapalaran na ikaw din ang nananalo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach.

GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang mag-alala sa mga ginawa mo nang mabilis. Mag-alala ka sa ginawa mo kung saan nag-aalinlangan ka. Ang pag-aalinlangan ay kalaban ng tao. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red.

CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang pumayag na maging hadlang sa iyo ang mga kontrabida. Huwag mo silang pansinin na para bang hindi mo sila nakikita. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-brown.

LEO (July 23-Aug. 22) - Marami ang iiwas sa iyo dahil maiilang sila sa mataas mong pagkatao. Pero higit na marami ang didikit sa iyo dahil madarama nila ang wagas na pagmamahal mo sa kapwa. Masuwerteng kulay-white.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Lagyan mo ng saya ang buhay mo. Paano? Isama mo sa iyong mga gawain ang mga masayahin, habang ang mga palaangal at paladaing ay dapat mong layuan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Iwasan mong magsuot ng mga luma at sirang damit. Mas maganda na ang mga bago at may kislap ang iyong gamitin nang sa gayun ay magkislapan din ang mga bagong kapalaran mo. Masuwerteng kulay-yellow.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Dagdagdan mo ang iyong ipon. Ngayon ang panahon ng pag-iipon dahil may iipunin ka mula sa iyong magagandang kinikita. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Limitahan mo lang ang paggasta. Huwag kang gumasta sa mga bagay na puwedeng wala sa buhay mo ngayon. Kung ano ang mahalaga, ‘yun lang ang gastusan mo. Masuwerteng kulay-pink.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hawak mo ang gulong ng iyong kapalaran. Kung paiikutin mo ito, maraming suwerte ang dadapo sa iyo. Kung hindi mo naman pagagalawin, walang magiging pagbabago sa buhay mo. Masuwerteng kulay-beige.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Maging positibo ka at gaganda nang todo ang buhay

mo. Ito ay magagawa mo kapag ang iyong ulo at isipan ay nakatingin sa iyong malayong hinaharap. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Maghiram ka at palitan mo agad, manghiram ka muli at isauli rin. Sa ganitong paraan, ang tiwala ay makukuha mo sa hihiraman mo. Huwag mong abusuhin dahil mawawalan siya ng tiwala sa iyo. Masuwerteng kulay-black.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.