Search
  • BULGAR

Horoscope | Hunyo 25, 2020 (Huwebes)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| June 25, 2020



Sa may kaarawan ngayong Hunyo 25, 2020 (Huwebes): Gamitin mo ang iyong malikhaing kaisipan kung paano lalong pauunlarin ang iyong buhay at huwag nang gamitin sa iba pang mga bagay.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ituloy mo lang ang unang naisip mo kahit may bago at mukhang magandang naisip ka. Ang una ay magbibigay sa iyo ng kaunlaran, ang huli naman ang magdadala sa iyo sa pagkakamali. Masuwerteng kulay-black.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag ka agad maniniwala sa mga hindi mo kakilala at kahit kakilala mo, pero hindi ka naman gaanong malapit. Huwag mo silang

pagkatiwalaan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet.

GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang magmadali. Magdahan-dahan ka at sa bawat pagkilos, isipin mo munang mabuti bago ito gawin. Sa pagiging marahan, nakikita ang magiging pagkakamali. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach.

CANCER (June 21-July 22) - Panoorin mo ang ikot ng mundo at ang galaw ng mga tao dahil makakabuo ka ng magagandang prinsipyo ng buhay na makakatulong sa kapwa mo, sa malalapit sa iyo at sa sarili mo. Masuwerteng kulay-red.

LEO (July 23-Aug. 22) - Kapag kapos, dagdagan at kapag kulang, punan. Ganyan lang kasimple ang buhay sa mundo. Sipag at sikap lang kapag wala pang kasiguraduhan ang iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-brown.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ipahiram mo ang talino mo, pero ipahiram mo rin ang pera mo. Sa ganitong paraan, ang malapit sa puso mo ay magkakaroon ng maayos na hanapbuhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kapag nahirapan ka, magbago ka ng sistema. Kapag gumanda ang takbo ng buhay mo, ‘wag na ‘wag kang magbabago. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran para sa buong buhay mo. Masuwerteng kulay-green.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nagkakamali ang lahat. Kapag nagkamali sa iyo ang isang malapit sa puso mo, huwag ka agad mag-isip ng hindi maganda. Sa ibang araw, ikaw din ay magkakamali sa kanya. Masuwerteng kulay-yellow.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mag-ipon ka ng mga aral sa buhay habang nakikisalamuha sa mga nasa ibaba. Ang mga ito ay mapapakinabangan mo kapag dumating ang mga araw ng mga pagsubok. Masuwerteng kulay-purple.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mayayanig ka ngayon ng mga problemang akala mo ay hindi mo makakayanan, pero matutuwa ka rin dahil sa biglang pagdapo sa iyo ng mga suwerte sa buhay. Masuwerteng kulay-pink.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Pabalik-balik ang lungkot na hindi mo matukoy ang tunay na dahilan. Pero pabalik-balik din ang saya mo na tukoy ang dahilan kung saan ang mga suwerte sa iyo ay nagdaratingan. Masuwerteng kulay-beige.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Palakasin mo ang iyong sarili. Ang mahina ay puwedeng lumakas at ang malakas ay sa paghina ang direksiyon. Muli, palakasin mo ang iyong sarili dahil may ilalakas ka. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.