Search
  • BULGAR

Horoscope | Hunyo 23, 2020 (Martes)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| June 23, 2020



Sa may kaarawan ngayong Hunyo 23, 2020 (Martes): Mabilis kang mag-isip kaya yayaman ka nang mabilis kapag ang isip mo ay sa yaman nakatutok. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kahit hindi pa buo ang desisyon mo, gawin mo na agad. Hindi laging kailangan na makumpleto pa ang plano bago kumilos. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-beige.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magtiwala ka sa iyong sarili kaysa sa ibang tao. Ang nagtitiwala sa iba ay hindi lubusang susuwertehin dahil uunahin muna ng kanyang pinagkatiwalaan ang sariling kapakanan. Masuwerteng kulay-blue.

GEMINI (May 21-June 20) - Hawak mo ang iyong kapalaran, gayundin ang kapalaran ng ilang nasa tabi mo. Walang ibang magandang gawin kundi pagbutihin ang iyong pinagkakaabalahan. Masuwerteng kulay-black.

CANCER (June 21-July 22) - Ituon mo ang iyong isipan sa kung paano pagagandahin ang iyong kinabukasan. Ang pag-iisip sa ibang aspeto ng iyong buhay ay pag-aaksaya lang ng mga oras at araw. Masuwerteng kulay-violet.

LEO (July 23-Aug. 22) - Kapag bumagal ang kilos mo dahil bigla kang nawalan ng gana, magpatulong ka sa isang malapit sa iyo na may masayang personalidad. Sa ganitong paraan, bibilis ang ikot ng iyong mundo. Masuwerteng kulay-peach.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kung ano ang una mong naisip, gawin mo agad. Kung magtatagal bago mo isagawa, sisingit ang pag-aalinlangan at ang mga suwerte ay magsisilayo at hindi na dadapo sa iyo. Masuwerteng kulay-red.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Tutukan mo kung ano ang ginagawa ng iyong mga kamay. Ito ang susi mo sa tagumpay at ang pintuan naman ng iyong kabiguan ay ang kawalan ng pagtutok sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-brown.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kahit labag sa loob mo, tulungan mo pa rin ang madalas na lumalapit sa iyo pero wala namang ginagawang pagbabago sa buhay niya. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-white.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magturo ka sa gustong magturo. Huwag mong piliting turuan ang ayaw matuto. Ang mga mamahaling hiyas ay hindi dapat ibigay sa hindi nakakikilala sa mga ito. Masuwerteng kulay-green.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ngayon ang tamang araw para kumilos. Ang bawat pagkilos ay magbubunga ng matatamis at masasarap na pakinabang. Kaya ang pagkilos ay dapat mo nang simulan. Masuwerteng kulay-yellow.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kumuha ka ng alalay na susunod sa mga utos mo. Huwag kang kukuha ng mas marunong pa kaysa sa iyo. Hindi mahalaga na may kasama ka kung sasakit lang din ang ulo mo. Masuwerteng kulay-purple.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Obserbahan mo ang gusto mong makilala nang lubusan. Sa kilos, gawi at pananalita, nakilala ang tao, kaya hindi ka dapat magkamali. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.