top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | Hulyo 9, 2020 (Huwebes)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| July 9, 2020



Sa may kaarawan ngayong Hulyo 9, 2020 (Huwebes): Tiyak ang pagyaman mo. Ito ay ginagarantiyahan ng araw ng iyong pagsilang. Mahalin mo ang mga kapus-palad nang manatili kang mayaman.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ngayon ang pagkakataon mo na kumita ng malalaking pakinabang. Lakasan mo ang iyong loob dahil kapag mahina ang loob mo, kikita ka rin pero hindi malalaki at marami. Masuwerteng kulay-peach.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong pansinin ang ayaw magsikap. Baka sa kakapansin mo, mahawa ka sa kanyang katamaran. Mas magandang dumikit sa mga tulad mong nagsisikap na umunlad. Masuwerteng kulay-red.

GEMINI (May 21-June 20) - Hindi nabubuhay ang tao dahil lang sa pagmamahalan. Ang tunay na bumubuhay sa tao ay ang paghahanap ng ikabubuhay. Maghangad ka dahil ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown.

CANCER (June 21-July 22) - Kung sino ang kontra nang kontra sa iyo, siya ang lihim na nagmamahal sa iyo. Mahirap paniwalaan, pero kapag sinubukan mong magkunwaring wala ka, tiyak na tutulungan ka niya. Masuwerteng kulay-white.

LEO (July 23-Aug. 22) - Yakapin mo ang makalumang tradisyon. Mahirap paniwalaan, pero ang mga ito mismo ang magbibigay sa iyo ng bagong pananaw sa buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nakabukas ang pintuan ng grasya sa langit at sa iyo ito nakatapat. Ipagpatuloy mo ang pagtulong sa kapwa kahit ikaw ay nangangailangan din ng mga tulong at alalay. Masuwerteng kulay-yellow.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Isuot mo ang paborito mong damit kahit nasa bahay ka lang. Ito na mismo ang iyong pampasuwerte na nagsasabing ang magagandang kapalaran ay hahanapin ka kahit nasaan ka. Masuwerteng kulay-purple.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang matakot. Tama ang sinasabing nasa isip lang ang takot. Kapag kumilos ka ayon sa plano mo, sobra kang sasaya at ang takot ay hindi mo na makikita kahit kailan. Masuwerteng kulay-pink.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Sukatin mo ang kakayahan ng mga taong gustong maging bahagi ka ng kanilang buhay. Ito ay para makita mo kung sila ay puwedeng mapalapit sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mabigat ang pakiramdam mo pero kapag kumilos ka, magugulat ka dahil ang lahat ay gagaan sa iyo at kahit ang trabahong inaayawan mo ay magiging magaan kung saan madali mo itong magagawa. Masuwerteng kulay-blue.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hayaan mo lang na minamaliit ka ng mayayabang. Sa huli, babatukan sila ng langit at ang kanilang mukha ay sasayad sa lupa. Masasaksihan mo mismo ang batas ng karma. Masuwerteng kulay-black.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kahit pa ipukol mo sa malayo ang isang bagay, babalik at babalik ito kapag talagang para sa iyo. Ang mga suwerteng akala mo ay hindi para sa iyo na aayawan mo ay muling babalik sa iyo. Masuwerteng kulay-violet.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page