Search
  • BULGAR

Horoscope | Hulyo 13, 2020 (Lunes)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| July 13, 2020



Sa may kaarawan ngayong Hulyo 13, 2020 (Lunes): Huwag mong pansinin ang mga kinatatakutan mo dahil mga multo lang ito na walang laman at buto na mananahan lang sa iyong imahinasyon.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Labanan mo ang mga hamon ng iyong kapalaran dahil ang pananalo ay para sa iyo. Ang pagkatalo ay nasa mga walang bilib sa kakayahan mo. Ito ang mensahe para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-green.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Umagwat ka sa mga kakilala mo na wala ka namang mapapala dahil ang alam lang nila ay manira ng kapwa. Hindi ka para sa ganu’ng bagay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow.

GEMINI (May 21-June 20) - Pag-aralan mong mabuti ang papasukin mong negosyo. Sa ngayon, hindi puwede ang malakas lang ang loob. Ang totoo nga, ngayon ang panahon para sa ibayong pag-iingat. Masuwerteng kulay-purple.

CANCER (June 21-July 22) - Makinig ka sa iyong pinagkakatiwalaan. Ang huwag pakinggan ay ang mga bagong kakilala dahil hindi na sila kabilang pa sa iyong pinagkakatiwalaan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink.

LEO (July 23-Aug. 22) - Nagbabalik ang dapat magbalik. Ibig sabihin, kapag hindi nagbalik, tanggapin mo na lang na ito ay hindi para sa iyo. Muli, nagbabalik ang dapat bumalik. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi naman kailangan pa ng ebidensiya. Ang kailangan lang ay ang may tiwala ka pa o wala na. Ang buhay ng tao ay hindi dapat isailalim sa proseso ng panghuhusga tulad sa hukuman. Masuwerteng kulay-blue.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Dalhin mo ang kabutihan na ipinakikita sa iyo. Sa ganitong paraan, malalaman mo kung wagas o totoo ito. Kapag wala kang nadamang saya sa puso, ibig sabihin, pakunwari lang ang pakita sa iyo. Masuwerteng kulay-black.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ilantad mo ang galing at husay mo dahil sa ganitong paraan, lalayuan ka ng mga hindi kayang sumabay sa iyo. Mas magandang ang makakasama mo ay kahawig at tulad ng iyong pagkatao. Masuwerteng kulay-violet.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Isulong mo ang pagsasama-sama ng mga ideya. Sa ganitong paraan, ang mabilis na pag-asenso ay agad na makukuha. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-peach.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Lumayo ka sa madaling masaktan ang kalooban. Mas magandang dumikit sa may malawak at mahabang pang-unawa. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-red.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Limitado ang panahon dahil mabibilis ang ikot ng kamay ng orasyon ng iyong kapalaran, kaya dapat ay mabilis ka rin sa pagsunggab sa mga oportunidad sa iyong harapan. Masuwerteng kulay-brown.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Lumayo ka sa mga taong puro salita at nangangako, pero hindi naman ginagawa. Sasakit lang ang ulo mo sa ganitong klase ng mga nilalang. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.