Search
  • BULGAR

Horoscope | Hulyo 01, 2020 (Miyerkules)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| July 01, 2020



Sa may kaarawan ngayong Hulyo 1, 2020 (Miyerkules): Dumadaloy ang magagandang kapalaran sa iyong buhay dahil sa mga kabutihang ipinakikita mo sa iyong kapwa. Ito ang regalo sa iyo ng langit.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Saya ang magpapaganda sa takbo ng iyong buhay, kaya layuan mo ang mga bagay na alam mong lungkot lang naman ang iyong makukuha. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Balensahin mo ang buhay mo. Hindi maganda para sa iyo ang sobra sa isang bagay at kulang naman sa iba pa. Kaya hinay-hinay lang sa pagbibigay ng atensiyon sa mga malapit sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow.

GEMINI (May 21-June 20) - Kung ano ang nasa plano, ‘yun ang gawin mo. Kung ano ang bagong sinasabi ng isip mo, huwag mong gawin dahil ang pabagu-bago ng gusto ay susi sa pagkaantala ng suwerte. Masuwerteng kulay-purple.

CANCER (June 21-July 22) - Kung saan maluwag ang dibdib mo, ‘yun ang piliin mo. Huwag mong pansinin ang sasabihin ng mga tao dahil hindi nila alam ang mga tunay na pangyayari sa buhay mo. Masuwerteng kulay-pink.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ikaw ang tatawagin para maglingkod sa kapwa. Ikaw ay aayaw-ayaw sa una dahil ang mga tao ay mahirap pakisamahan, pero sa paglilingkod mo, mapapalapit ang iyong puso sa kanila. Masuwerteng kulay-beige.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang papayag na mahinto ang iyong pagsisikap. Mag-isip ka ng bagong pagkakakitaan nang sa gayun ay maaabot mo nang mabilis ang iyong mga pangarap. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong pahirapan ang sarili mo nang dahil lang sa mga sinasabi ng mga tao dahil wala silang karapatan na pintasan ka. Higit sa lahat, wala kang dapat patunayan sa kahit na sino. Masuwerteng kulay-black.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Gumagaan ang mga gawain kapag walang istorbo sa paligid. Mas madadalian ka kung nag-iisa ka at tahimik na kumikilos. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-violet.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung saan may saya, roon ka. Walang tao ang may gustong magkaroon ng kalungkutan. Muli, kung saan ka may saya, roon ka. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kukay-peach.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nasa mga kaibigang masayahin ang iyong mga suwerte, kaya dumikit ka sa kanila at gagana ang mga natutulog mong mga suwerte. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kakaiba pero epektibo ang susi ng iyong mga suwerte sa buhay. Ito ay nagsasabing kailangang mahalikan ka ng hangin sa iyong mga pisngi. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kambal ang suwerte mo na halos sabay na dadapo sa iyo. Maaari ring maantala ang isa pero ganu’n pa rin – kambal pa rin ang itatawag mo sa iyong mga suwerte. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.