top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | Agosto 11, 2020 (Martes)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| August 11, 2020



Sa may kaarawan ngayong Agosto 11, 2020 (Martes): Huwag mong sayangin ang kakaibang galing at husay mo. Ilabas mo ito at ituon sa pagpapaunlad ng iyong kabuhayan.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong dayain ang iyong sarili. Ikaw lang naman ang nagsasabing mahihirapan na pero sumulong pa. Kapag sinimulan mo na, makikita mo na madali lang pala. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ituloy mo ang gusto mong gawin dahil pinahihina lang ng mga taong negatibo ang iyong loob. Lumayo ka sa kanila at gawin mo ang gusto mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black.

GEMINI (May 21-June 20) - Mahina ang mga karibal mo ngayon at umaasta lang sila na malakas, pero ang katotohanan ay hindi kaila sa kanila na ikaw ay mas malakas kumpara sa kanila. Masuwerteng kulay-violet.

CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang maduwag. Hindi ngayon ang panahon para panghinaan ka ng loob. Higit kailanman, sa kasalukuyan ang pagpapakita ng tapang at lakas ng loob. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach.

LEO (July 23-Aug. 22) - Harapin mo ang nagpapasakit ng ulo mo. Oo, harapin mo at makikita mo na sasakit din ang ulo niya at sa huli ay magkakasundo kayo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Bigyan mo ang kung ano ang wala sa iyong tutulungan. Huwag mong hayaan na sila ang magpasya. Kadalasan, ang gusto nila ay ‘yung mayroon na sila. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Gumawa ka ng paraan para hindi matigil ang iyong pinagkakakitaan. Ang hirap na sumasaiyo ay pansamantala lang. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-white.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong hayaan na maapektuhan ng mga kabiguan sa nakaraan ang iyong kasalukuyan. Kapag maayos ang kasalukuyan, magiging maayos din ang kinabukasan. Masuwerteng kulay-green.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magturo ka sa gustong matuto. Huwag mong pilitin ang ayaw magdagdag ng kaalaman. Umaasenso ang nagpapatuloy mag-aral kahit hindi sa mismong eskuwelahan. Masuwerteng kulay-yellow.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung ano ka, ‘yun ka. Bakit ka tutulad sa iba na mapagkunwari at hindi inilalantad ang tunay nilang sarili? Sa huli, sila ang mga magsisisi. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mo gaanong ikalungkot ang pagkabigo. Ang tao’y binigyan ng tuhod nang sa gayun ay kapag nadapa, makatayong muli at makapagsimulang lumakad. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hayaan mong ipakita ng nagbabalik na siya ay nagbago na. Ikaw din naman sa buhay mo ay nagkakamali, kaya marapat lang na ang tao ay marunong magpatawad sa kanyang kapwa. Masuwerteng kulay-beige.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page