top of page
Search
  • BULGAR

Hoptrans 3x3 sa Lithuania, tuloy, dahil 2k lang ang COVID

ni Anthony Servinio - @Sports | July 13, 2020




Pagkakataon na ng Lithuania na ipamalas ang kanilang husay sa 3X3 Basketball sa pagbubukas ng Hoptrans 3X3 Tournament sa lungsod ng Palanga. Bumababa na ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa na mula halos 1,800 ang infected ay 292 na lang ang active cases kaya pumayag na ang pamahalaan na buhayin muli ang palakasan.


Pinangunahan ang mga kalahok ng Sakiai Gulbele na mga beterano ng FIBA 3X3 World Tour. Makakasama nila ang Cbet, Dzukija, Legendos, Lietkabelis, Neptunas, Nevezis, P. Zvaigzdes, Rytas-Perlas, Tauras, Uniclub at Siauliai.


Maliban sa Sakiai na kinabibilangan nina Aurelijus Pukelis, Marijus Uzupis, Paulius Belavicius at Sarunas Vingelis, tututukan ng pansin ang Tauras na tampok ang beterano ng pambansang koponan na si Jonas Maciulis. Si Maciulis ay lilipat sa 3X3 matapos katawanin ang Lithuania sa dalawang Olympiada noong Beijing 2008 at London 2012 at dalawang FIBA World Cup.


Sa isang panayam sa FIBA, bukas ang posibilidad na maglaro din siya sa Tokyo 2020 pero sa bagong disiplina. Kasama ang Lithuania sa Olympic Qualifying Tournament sa Graz, Austria sa susunod na Mayo kung saan kalahok din ang Pilipinas.


Ang patakaran ng Hoptrans ay hindi iba sa nakasanayan ng mga Pinoy na Chooks To Go Pilipinas 3X3 at FIBA 3X3 World Tour at Challenger. Ang 12 koponan ay hahatiin sa apat na grupo ng tig-tatlo at walo ang tutuloy sa knockout playoffs.


Maglalaro ang lahat ng tatlong hiwalay na torneo sa unang tatlong Biyernes at Sabado ng buwang kasalukuyan. Gagawaran ang mga koponan ng puntos linggo-linggo at ito ang gagamiting basehan ng kanilang katayuan sa Grand Finals sa Hulyo 27.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page