Search
  • BULGAR

Hold departure order sa mga opisyal ng Phil Health, inihirit

ni Lolet Abania | September 16, 2020





Hiniling ng dalawang babaeng mambabatas na mag-isyu ng hold departure order at hospital arrest laban sa mga opisyal ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) kung saan lumalabas sa Department of Justice (DOJ) na sila ay dapat managot para sa criminal cases na may kaugnayan sa umano'y iregularidad sa pondo ng naturang insurance company.


Bago pa naipadala sa Office of the Ombudsman ang charge sheets, sina ACT CIS Partylist Rep. Jocelyn Tulfo at Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera ay nagpalabas na ng press statements ng pagnanais nilang magkaroon ng legal actions laban sa mga opisyal ng PhilHealth na tanging ang korte lamang ang maaaring magbigay ng order.


Gayunman, ang DOJ-led Task Force Philhealth ay naglabas ng initial findings sa ginagawang imbestigasyon tungkol sa anomalya sa pondo ng ahensiya.


Gayundin, nakapagrekomenda na ng criminal charges kontra sa mga Philhealth executives kasama rito ang dating presidente at CEO na si Ricardo Morales, ngunit ayon sa report, bailable ang mga kasong isinampa sa mga ito.


Subali't ayon kay Tulfo, dapat na arestuhin si Morales kahit pa sumasailalim ito sa medical procedures dahil sa cancer.


“As for PhilHealth President & CEO Ricardo Morales who has gone on medical leave, I say he should be placed under hospital arrest. Frankly, I have no pity for him,” sabi ni Tulfo.


Gayundin, ayon kay Herrera ang mga Philhealth officials na nakitaan ng DOJ na dapat managot sa anomalya ay ilagay sa “immigration watch list, hold departure order and Interpol Red notices”.


Dagdag pa ng partylist lawmaker, “Processes leading to such actions have to be set in motion so that when (the) time comes for those formalities to be done, actions will be swift.


“I appeal to the DOJ and the NBI to immediately cause the issuance of the needed legal authorization to secure the files and computers of PhilHealth to make sure evidence and witnesses do not suddenly vanish without any trace and so conveniently for the plunderers,” sabi ni Herrera.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.