Search
  • BULGAR

History teacher, pinugutan

ni Ronalyn Seminiano Reonico | October 17, 2020




Inaresto ang siyam na katao matapos pugutan ng ulo ang isang guro sa Paris malapit sa pinagtatrabahuhan nitong eskuwelahan noong Biyernes, ayon sa pulisya.


Narinig umano ng witness na sumigaw ang suspek ng "Allahu Akbar" o "God is Greatest". Ito ay madalas marinig sa pag-atake ng mga Jihadist.


Nitong buwan ay nagpakita umano ang biktimang History teacher na si Samuel Paty, 47, sa kanyang mga estudyante ng cartoon ni Prophet Mohammad sa klase habang itinuturo ang freedom of expression at tinawag ni President Emmanuel Macron ang insidente bilang Islamist terrorist attack.


Aniya, “One of our compatriots was assassinated today because he taught pupils freedom of expression, the freedom to believe and not believe. “This was a cowardly attack on our compatriot. He was the victim of a typical Islamist terrorist attack.”


Samantala, napatay ang suspek matapos barilin ng pulis at inaresto ang apat na kamag-anak nito, kabilang na ang menor-de-edad. Ikinulong din ang lima pang katao kabilang na ang dalawang magulang ng mga estudyanteng nag-aaral sa College du Bois d'Aulne kung saan nagtatrabaho ang biktima.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.