Search
  • BULGAR

Hirit ng DOTr na mag-PPE ang rider at angkas nito, pinalagan ng taumbayan!

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | June 24, 2020



KAPAG NAG-PPE ANG RIDER AT ANGKAS NITO, LIGTAS NGA SA VIRUS, BAKA MA-HEAT STROKE NAMAN SILA—Ayon sa Department of Transportation, papayagang magkaroon ng angkas ang mga rider, ngunit dapat pareho silang magsuot ng Personal Protective Equipment (PPE).


Pambihira, hindi man lang ba naisip ng mga taga-DOTr na masyadong mainit sa katawan ang PPEs?


Hirit tuloy ng mga netizens, kung ipapatupad nila ‘yan, eh, baka hindi sa virus madale ang rider at angkas nito, kundi sa heat stroke, period!

◘◘◘

NAG-SUGGEST LANG NAMAN SI VP LENI, “TINARAYAN” NA NI ROQUE—Ipinarating ni VP Leni Robredo ang mungkahi niya sa Department of Education na kung puwede ay ipagpaliban muna ang klase ngayong Agosto at iurong pa ito ng ilang buwan nang sa gayun ay mas makapaghanda ang mga guro at mag-aaral sa distance o blending learning.


Pero, sadyang taklesa itong si Presidential Spokesman Harry Roque, mantakin n’yo na “tinarayan” ba naman nito si VP Leni na hindi na raw maaari ang gusto nitong mangyari na ipagpaliban ang klase dahil nasa batas na Agosto ang umpisa ng klase at tanging Kongreso lang may “K” magpaliban ng school opening, boom!


◘◘◘

P-DUTERTE, KUNG SISIHIN ANG MGA TAGA-CEBU, PARANG HINDI RIN NIYA BINALEWALA ANG VIRUS—Sinisi ni P-Duterte ang mga taga-Cebu sa paglaganap ng COVID-19 sa lalawigan dahil binalewala raw ng mga ito ang banta ng COVID-19.


‘Sus, kung makapagsalita ang Pangulo parang hindi rin niya binalewala ang banta ng virus sa bansa.


Sa totoo lang, kung ipinatupad agad ang travel ban sa China nang i-lockdown ang Wuhan noong Jan. 23 dahil sa mataas na kaso ng COVID-19, eh, ‘di sana ay baka tulad na rin ng ibang bansa ang Pilipinas na tinalo na ang deadly virus, boom!

◘◘◘

DAPAT PALA “ANTI-COMMUNIST” BILL ANG IPINASA, HINDI ANTI-TERRORISM BILL—Ayon sa Pangulo, hindi ang mga Abu Sayyaf o terorista ang numero unong problema ng bansa, kundi ang mga New People’s Army (NPA).


Kung ganu’n, sablay pala ang inaprub na Anti-Terrorism Bill ng Senado at Kamara kasi ang dapat palang ginawa nilang panukalang-batas ay “Anti-Communist” Bill kasi ang mga NPA ay kontrolado ng CPP (Communist Party of the Philippines), boom!

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.