Search
  • BULGAR

Hirap na raw kaya 'di na pinigilan…

ANDENG, UMAMING SA KANYA NAGPAALAM ANG AMANG SI DON RAMON BAGO PUMANAW

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | June 29, 2020




Ibinahagi ni Andrea Bautista-Ynares, mayor ng Antipolo, Rizal (Andeng sa mga press people) at anak ni the late Ramon Revilla, Sr., ang mga kaganapan at ang mga huling sandali bago binawian ng buhay ang kanilang ama nu'ng Biyernes (June 26).


Nagbigay ng panayam si Andeng kay MJ Felipe, ABS-CBN News anchor, habang abala sa pag-aasikaso sa lamay ng kanilang ama and she revealed the heartbreaking request of her father to let him go.


“All my siblings were there. And each one of us were given a time to talk to my dad telling him that we’re going to be okay and that he has nothing to worry about. ‘Wag niya kaming alalahanin.”


Pahayag ni Mayora, “Sa history ng pagkakasakit ng daddy ko, first time niya lang sinabi sa akin na ‘Anak, nahihirapan na ako.' So, when he said that to me, sabi ko sa kanya, ‘Daddy, kahit ayoko, I would respect your decision po.'”


Hanggang sa araw na ito, only family members and relatives are allowed inside the compound for the wake where strict physical distancing measures are being followed.


Bagama't wala pa ring inia-announce ang pamilya Bautista-Ynares na date ng libing, sinabi naman nilang sa Angelus Cemetery ihihimlay si Sen. Ramon Revilla, Sr..

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.