top of page
BULGARY - LUCAS LORENZO, NA-BANNED DAW SA GOLF DAHIL SA SABLAY NA ASA-IG _juliabarretto.jp

Hindi lang si Ai Ai ang todo-tanggol sa aktor… CLAUDINE, SUPORTADO SI PIOLO VS. BB

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 13, 2020
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | September 13, 2020




Marami ang natutuwa sa pagpapahayag ni Claudine Barretto ng suporta sa kaibigang si Piolo Pascual na ngayon ay nahaharap sa kontrobersiya matapos kaladkarin ni BB Gandanghari sa kanyang mga rebelasyon sa YouTube vlog niya.


Sa kanyang Instagram account, nag-post si Claudine ng lumang photo nila ni Piolo na nilagyan niya ng caption na "Claudinians & I got your back! @piolo_pascual"


Dahil dito, pinatunayan lang ni Claudine na isa siyang tunay na kaibigan ni Piolo na handang dumamay dito lalo na sa oras ng problema.


Samantala, hindi nga talaga basta-basta matitibag ng kahit na anong intriga si Piolo Pascual. Hindi ito makakaapekto sa kanyang imahe bilang product endorser. Marami pa rin ang nagtitiwala sa kanyang karisma sa publiko.


Kaya naman maging ang CEO ng Beautederm na si Ms. Rhea Anicoche-Tan ay si Papa P ang kinuhang ambassador para sa bagong produkto ng Beautederm na Beau Charcoal Soap na mula sa Spruce n Dash men's skin products.


Akmang-akma ang nasabing produkto kay Piolo Pascual. Isa itong pangarap na natupad para kay Ms. Rei Tan. Noong bago pa lang ang Beautederm sa merkado ay nasa bucket list na raw niya na makuhang endorser si Piolo.


At eto na nga, pumayag si Piolo na maging endorser ng Beautederm at tiyak na maraming mahihikayat ang aktor upang subukan ang Beau Charcoal Soap.


Sobrang saya naman ni Ms. Rhea na hindi sila nahirapang kunin si Piolo Pascual para sa bagong produkto ng Beautederm.


Hindi kaya lalong ma-insecure at mabuwisit si BB Gandanghari kapag nalamang 'di apektado ang career ni Piolo sa kabila ng mga ibinulgar niya tungkol dito?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page