top of page
Search
  • BULGAR

“Hindi ako naniniwala sa DOH” — Larry Gadon

ni Twincle Esquierdo | August 27, 2020



Ayon kay Lawyer Lorenzo “Larry” Gadon na ang COVID-19 ay maiiwasan at sinabi na tinatakot lamang ng DOH ang mga mamamayan.

Sa isang pahayag sa loob ng Supreme Court sinabi niya na, “Para sa akin, kalabisan na sa akin eh, either naka-face shield ka o naka-face mask ka, hindi ako naniniwala sa DOH, Sa totoo lang, ang COVID [ay] curable. Sobrang pananakot sa atin ang ginawa ng DOH, tumigil ang ekonomiya natin sa sobrang pananakot nila,”

“Nagagamot ang COVID if at the onset, gamutin mo lang agad ng mga gamot na kagaya ng LianHua,”

Dagdag pa mambabatas, “Dapat ang DOH, ayusin nila ang problema sa PhilHealth. Di nila pupuwedeng sabihin na wala silang kinalaman dyan.”

Hindi umano naniniwala si Gordon na ang paggamit ng facemask at faceshield ay makatutulong sa pagpigilan o maiwasan ang COVID-19.

Ngunit, ayon sa DOH na ang mga kilos nito ay nagpapakita ng “misinformation” patungkol sa pagsusuot ng mask at ang mga sinabi nito ay hindi biro.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page