Search
  • BULGAR

HEART AT KRIS, PA-GOOD SHOT SA FANS KAYA NAMUMUDMOD NG TABLET AT LAPTOP

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | June 29, 2020




Handang magbenta ulit ng kanyang mga obrang paintings si Heart Evangelista para lang may maipambili ng mga tablets na ido-donate niya sa mga batang walang magagamit na gadget ngayong online studies na ang ipatutupad sa mga mag-aaral.


Hangga't wala pa raw natutuklasang COVID vaccine ay hindi papayagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang face-to-face system ng edukasyon.


Kahit na 'yung mga nasa public schools at 'yung mga nasa liblib na eskuwelahan sa barrio ay blended education ang dapat na sundin.


Maraming magulang ang dumaraing sa online learning lalo na 'yung nawalan ng trabaho at hindi ma-afford na ibili ng gadget ang kanilang mga anak.


Kaya naman si Heart, gustong tumulong sa abot ng kanyang makakaya. Mula sa pinagbentahan ng ilan niyang paintings ay nakabili na siya ng 550 units ng tablet na kanyang ipinamigay sa mga estudyanteng nagme-message sa kanya via IG. 'Pag kulang pa, marami pa siyang paintings na kanyang ia-unload.


Si Kris Aquino naman, high-tech na laptop ang ido-donate sa mga deserving na estudyante.


Kaya naman kahit maraming naiinis kina Heart at Kris, marami pa rin silang supporters at followers sa socmed dahil sa kanilang pagse-share ng blessings.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.