top of page
Search
  • BULGAR

Health care system sa bansa, handa na sa mga darating pang pandemya

ni Bong Go - @Bisyo Magserbisyo | September 18, 2020



Nito lamang Martes, nagkaroon ng hearing ang Senate Committee on Health upang pag-usapan ang ilang mahahalagang panukalang-batas na layuning palakasin ang healthcare system ng bansa at siguruhing mas handa tayo sa mga darating pang pandemya tulad ng COVID-19. Isa sa mga ito ay ang panukala nating Senate Bill 1803, o ang e-Health System and Services Act of 2020.


Kitang-kita ang laki ng epekto ng pandemya sa paghahatid ng healthcare services sa mga Pilipino. Dahil sa mobility limitations na dulot nito, kailangang mag-isip ng mga makabagong paraan upang maibigay pa rin ang mga serbisyong ito sa ating mga kababayan sa gitna ng mga limitasyong ito. Ito ang layunin ng SB 1803.


Kapag ito ay naisabatas, ire-regulate ng e-Health System and Services Act of 2020 ang pagbibigay ng telemedicine at e-Health sa bansa na silang magsisilbing tulay upang matugunan ang mga pangangailangang medikal ng mga Pilipino, mayroon mang pandemya o wala. Gagamit tayo ng makabagong ICT technology para ihatid ang dekalidad at agarang healthcare services para sa ating mga kababayan.


Magkakaroon din tayo ng e-Health Policy and Coordination Council na bubuo at magpo-promote ng mga e-Health policies, standards at regulations sa bansa. Layunin din ng Council na siguraduhin ang integration at coordination ng national at local e-Health strategies at initiatives sa bansa.


Samantala, nag-umpisa na ang Department of Health na mag-implementa ng programa na gumagamit ng e-Health at telemedicine. Nito lamang nakaraan, matagumpay na ini-launch ng DOH ang COVID-19 Hotline nito sa tulong ng Department of the Interior and Local Government at ng isang pribadong private telecommunications company.


Kung noong una ay tumatanggap lang ang hotline ng mga tawag sa publiko na humihingi ng impormasyon tungkol sa COVID-19, kalauna’y nagbigay na rin ang DOH ng free medical consultations gamit ang nasabing hotline. Patunay lamang ito na mataas ang demand para sa ganitong programa ng gobyerno at malaki ang ginhawang dala nito sa mga Pilipino.


Bilang Chair ng Senate Commitee on Health, makaaasa ang ating mga kababayan na ipaglalaban natin ang pagpasa ng batas na ito.


Huwag balewalain ang mga simpleng patakaran na mula sa gobyerno dahil hindi lamang nito maililigtas ang inyong buhay, kundi ang buhay ng inyong mga kapwa Pilipino.

 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BISYO MAGSERBISYO ni Bong Go, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa bisyo.magserbisyoo@gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page