Search
  • BULGAR

Guy na taga-Ukraine, na-trace… GLAIZA, HININGAN NG DOLYARES NG NANG-HACK NG IG ACCOUNT

ni Nitz Miralles - @Bida | June 27, 2020




Sosyal ang hacker ni Glaiza de Castro, dollars ang hininging ransom nang i-hack ang Instagram (IG) account ng aktres at inglesero pa, dahil nang sagutin ni Glaiza ang demand ng hacker ng “Wala nga akong pera, kuya. 'Kaloka ka, Mars,” ang sagot ng hacker ay “What?”


Sumagot tuloy si Glaiza ng “Oh sorry, wrong sent.”


Ipinost ni Glaiza ang convo nila ng hacker na nag-demand ng $335 o equivalent to P16,741.63 para mabawi ang na-hack na IG account.


Sabi ng hacker, “Our interest is only in money. We don’t need your account. We will restore it immediately after payment in 15 minutes. We will send you a login, password and instructions on how to protect your account.”


Nagpatulong si Glaiza sa mga netizens at followers niya sa Twitter na hanapin ang location ng hacker na based daw sa Ukraine. Nakita nga ang IG account ni Glaiza na iba na ang nakalagay sa DP at lalaki ito. Mabuti at tinulungan si Glaiza na mabawi ang IG niya kaya isang araw lang na-Instanap ang kanyang IG account.


Kaya nakapag-post na uli si Glaiza sa kanyang IG at sa unang post niya, sinabing pinangatawanan niya ang user name na @glaizaredux.


“Maraming salamat sa mga nag-abot ng concern, tumulong at nagdasal. Sorry din sa mga nabahala at 'di nakatulog. Grabe, sa panahon ngayon, hindi lang talaga pisikal ang krimen, at mas nakakatakot, hindi mo nakikita ang mukha ng kalaban. Kaya ingat tayo sa mga naki-click natin, mga natatanggap nating e-mails or links at mga ibinibigay nating impormasyon online. Salamat, friends at salamat, Facebook Team, saludo ako sa inyo.”


May pabirong nag-comment na hindi raw ba alam ng hacker na palaban ang mga roles na ginagampanan ni Glaiza sa movies and TV? Heto nga at pareho siyang kinaiinisan sa rerun ng Stairway to Heaven sa afternoon slot at Encantadia sa primetime slot ng GMA-7 dahil kontrabida siya.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.