top of page
Search
  • BULGAR

GOV. CHIZ KAY HEART: 'WAG IBUYANGYANG ANG BUHAY SA SOCMED

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | July 10, 2020




Ang dami-daming natututunan ni Heart Evangelista sa kanyang mister na si Sorsogon Governor Chiz Escudero. Ang pinaka-bonding nilang mag-asawa ay ang kanilang pagtalakay sa mga napapanahong isyu ngayon tulad ng nagaganap na bashing at bullying sa social media.


Sa last vlog ni Heart sa kanyang YouTube channel, napag-usapan nila 'yung tungkol sa Anti-Terrorism Bill na ngayon ay ganap nang batas dahil pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Maraming tanong si Heart tungkol sa Anti-Terror Law na maayos namang naipaliwanag sa kanya ni Gov. Chiz.


Gusto namin ang advise ni Chiz kay Heart na huwag masyadong i-open ang personal na buhay sa social media upang hindi pagpistahan ng mga bashers.


Dagdag pa niyang payo, deadmahin at 'wag magpaapekto-'wag patulan ang mga bashers. Lalo raw magsasaya ang mga ito kapag sila ay pinag-aaksayahan ng panahon.


Well, tama naman si Gov. Chiz at very lucky si Heart na ang dating senador ang napangasawa niya. Maraming mahahalagang bagay siyang natututunan.


Hindi kaya inihahanda na ni Gov. Chiz Escudero si Heart sa pagpasok sa political arena?

Nagsalita na nang patapos ang Kapuso actress na hinding-hindi niya inambisyon na maging pulitiko at hindi raw 'yun ang kanyang mundo.


Well, let's see…

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page