Search
  • BULGAR

GMRC, dapat matutunan din ng mga pasaway na trapo

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | June 27, 2020



DAPAT KASALI ANG MGA PASAWAY NA TRAPO SA PAG-AARAL NG GMRC—Nilagdaan na ni P-Duterte bilang batas ang pagbabalik ng subject na Good Manners and Right Conduct (GMRC) sa mga mag-aaral mula kinder hanggang senior high school.


Bakit sa mga mag-aaral lang ipaiiral ‘yan? Dapat kasama rin ang mga pulitiko kasi sa totoo lang, ang daming pasaway na trapo (traditional politician) ngayon, halatang kulang sa pag-aaral ng GMRC, period!

◘◘◘


PAGPAPALIT NG PANGALAN SA NAIA, PANG-INIS SA DILAWAN—Kapag naging batas ang panukala nina Davao City Rep. Paolo Duterte, Marinduque Rep. Lord Allan Velasco at ACT-CIS partylist Rep. Eric Yap, na tanggalin na ang pangalang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at palitan ito ng Pambansang Paliparan ng Pilipinas (PPP), tiyak na multi-million pesos ang gagastusin d’yan ng pamahalaan dahil papalitan ang mga signs ng mga airport buildings, terminals, highways, roadways, air train map, directory at mga papeles na may kinalaman sa NAIA.


Wrong timing ang panukalang ‘yan kasi mas mainam na ang gagastusin sa pagpapalit ng pangalan sa NAIA ay itulong na lang sa mga nangangailangan dahil sa panahon ng krisis, ayuda sa milyun-milyong Pinoy na nawalan ng trabaho sa loob at labas ng bansa ang kailangan at hindi paggastos ng gobyerno para lang asarin ang dilawan, boom!


◘◘◘

PATI GOBYERNO NG SAUDI MAGUGULUHAN SA MAGKASALUNGAT NA PAHAYAG NG DOLE AT IATF—Matapos ihayag ni Sec. Silvester Bello III ng Department of Labor and Employment (DOLE) na hindi na iuuwi sa Pilipinas ang bangkay ng mga OFWs na namatay sa virus sa Saudi Arabia ay inaprub naman ng IATF (Inter-Agency Task Force) na kunin ang mga bangkay upang maiuwi sa bansa.


Dahil sa magkakasalungat na statement ng DOLE at IATF, tiyak na maguguluhan ang mga opisyal ng gobyerno sa Saudi kung may plano pa ba o wala na ang Philippine gov’t. na kunin ang bangkay ng mga OFWs sa kanilang bansa, boom!

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.