Search
  • BULGAR

‘Glee’ actress Naya Rivera, nawawala

ni Lolet Abania | July 10, 2020




Nawawala ang ‘Glee’ actress na si Naya Rivera, 33, noong Miyerkules pa ng gabi, kung saan nagkaroon na ng search team sa paligid ng Lake Peru sa California, ayon sa Ventura County Sheriff’s Office.


Batay sa opisina ng sheriff, ang hinahanap nila ay “possible drowning victim” o nalunod na biktima sa lawa.


Ayon kay Eric Buschow, sheriff’s office spokesman, nagrenta ng bangka si Rivera kasama ang anak niya, hapon ng Miyerkules. Isa pang boater ang nakakita sa kanyang anak na mag-isa sa bangka ng alas-4 ng hapon.


Ligtas naman ang batang lalaki, dagdag pa ni Buschow.


Nakilala si Rivera sa mga palabas na “The Royal Family”, “The Fresh Prince of Bel-Air”, “Family Matters” at “Baywatch.”


Subalit, sumikat ang aktres sa “Glee”, ang sharp-witted cheerleader na si Santana Lopez.


Ikinasal si Rivera sa actor na si Ryan Dorsey noong 2014 at nabiyayaan ng anak na lalaking si Josey Hollis noong 2015. Naghiwalay ang dalawa noong 2018.


Huling nakita si Rivera sa post niya sa Twitter ng picture niya at anak.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.