Search
  • BULGAR

Girl, kilig to the bones… BOSSING, BOTO SA 28-ANYOS NA MAYOR NG TARLAC PARA KAY VICO

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | June 29, 2020




Anim na mayors mula sa iba’t ibang lungsod at lalawigan ng bansa ang guests sa Eat…Bulaga! segment na Bawal Judgmental nu’ng Sabado.


Isa sa kanila ay ang mayor ng San Manuel, Tarlac na si Mayor Dona Cresencia R. Tesoro a.k.a. ‘Mayor Donya’.


Ininterbyu nina Paolo Ballesteros at Jose Manalo ang 28-year-old mayor.


Ayon kay Mayor Donya ay single pa siya at walang commitment.


Tanong ng dalawang EB! hosts, ano ba ang mga katangiang gusto niya sa isang lalaki.

Sagot ni Mayor Donya, 'yung maiintindihan ang kanyang trabaho bilang public servant at higit sa lahat ay hindi babaero.


Si Bossing Vic Sotto na pinaka-host ng Bawal Judgmental ay biglang ‘napatawag’ sa anak na si Pasig Mayor Vico Sotto nang malamang single pa ang mayora.


Ayun, nagtilian tuloy ang mga nanonood habang halata namang kinilig ang mayor ng Tarlac.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.