Search
  • BULGAR

Ganern, Zoren?!SIGAW NI BB: RUSTOM, NAMATAY NANG IWAN NI CARMINA

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | June 23, 2020




BINUHAY na naman ni BB Gandanghari si Rustom Padilla sa kanyang vlog sa YouTube dahil sa mga ikinuwento niya tungkol sa nakaraan nina Rustom at Carmina Villaroel.

First time na nagkuwento si BB last June 21 tungkol kina Carmina at Rustom. Ayon kay BB, ang pinakamasakit na nangyari raw sa kanyang buhay ay nu’ng maghiwalay sila ni Carmina bilang siya si Rustom dahil kinakailangan na raw nilang gawin.

Naghiwalay sina Rustom at Carmina nu’ng 1997 matapos magsama nang 3 taon bilang mag-asawa.

Marami nga raw ang nagtatanong sa kanya kung minahal ba ni Rustom si Carmina.

"Marami ang nagtatanong, minahal ko raw ba talaga si Carmina? Honestly and true, oo,” ani BB.

Sambit pa niya, "It’s the fact na they thought they found the right love, para kay Rustom.

"Pero hindi na rin niya ipinaglaban kasi at that time, binibigyan nila ng pagkakataon ang sarili nila na mag-isip.

"Napakabait ng Diyos, I hope si Carmina, ganito rin ang pakiramdam. I don’t wanna be selfish about it, pero itinuturing kong blessing si Carmina sa buhay ni Rustom.”

Kuwento pa ni BB, ang pangarap daw noon ni Rustom ay ang magkaroon ng pamilya. At para raw sa kanya ay si Carmina ang tamang babae.

Pero habang tumatagal daw ang pagsasama nina Rustom at Carmina, ru’n na naramdaman ni Rustom na parang may kulang sa pagkatao niya.

Unti-unti na raw lumalabas ang insecurities ni Rustom bilang lalaki.

"Dahil siguro hindi na-resolve, ito 'yung sinasabi ko na this is the lesson learned here.

"Dahil sa in love and everything, akala ni Rustom, that will cover everything, pero hindi."

Hindi raw puwedeng hanapin ni Rustom ang kaligayahan sa ibang tao.

Patuloy niyang kuwento, "Rustom may be right, he may be happy with Carmina, but he wasn’t happy with himself. That’s the problem.

"Sabi ko nga, it maybe the right love, but hindi lang wrong time, but wrong body.”

Dumating na raw sa puntong nagdesisyon si Carmina na iwan siya.

"Isa sa mga pinakamasakit na panahon, you can just imagine, isang tao na pinakaimportante sa iyo, nagpapaalam.

"So, Rustom was really devastated, pero hindi na siya nag-disagree.

"It was a very amicable separation, walang sigawan, walang sumbatan, pero pinakamasakit."

Doon na raw namatay ang Rustom na nakilala sa showbiz na naging mister ni Carmina.

Pero tahasan niyang sinabi na kung magiging lalaki raw siyang muli, gusto niyang balikan si Carmina. Liligawan daw niya uli ang ex-wife ni Rustom.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.