Search
  • BULGAR

Frontliners pagod na, humiling ng 2 weeks ECQ…

Sen. Villar sa mga health workers: Pagbutihin ang trabaho nila

ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 1, 2020




Dumadaing na sa hirap ang mga frontline healthworkers dahil sa patuloy na paglobo ng kaso ng COVID-19 sa ating bansa kung kaya’t humiling sila ng 2 linggong enhanced community quarantine (ECQ) sa Mega Manila.

Tutol naman si Senator Cynthia Villar na isailalim muli sa ECQ ang Metro Manila dahil magdudulot ito diumano ng lalong negatibong epekto sa ekonomiya ng bansa.

Aniya, "Hindi natin puwedeng isara ang ekonomiya, kailangan pag-igihin ng (Department of Health) at iba pang agency ang kanilang hakbang.

"Kapag lockdown kasi magsa-suffer ang ekonomiya. I guess we have to live with COVID-19."

"Hindi na siguro (babalik sa ECQ), pagbutihin nila trabaho nila. Hindi puwedeng isara ang ekonomiya kasi kung ‘di naman mamamatay sa COVID, mamamatay naman sa gutom ang tao.

"May time in our lives na ikaw talaga ang mapapagod. Iba-iba naman ang kalamidad. So itong kalamidad na ito ang mapapagod dito ang health frontliners natin. Iba-iba 'yan, but I guess we need to work hard."

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.