Search
  • BULGAR

Frontliner na nagka-COVID, 10,532 na!

ni Thea Janica Teh | October 19, 2020




Mayroon nang kabuuang 10,532 health workers ang nagkaroon ng COVID-19 matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ngayong Linggo ng 354 pang bagong kaso.


Sa inilabas na daily report ng DOH, tumaas din ang bilang ng mga gumaling sa 9,899 matapos itong madagdagan ng 337.


Habang ang mga namatay naman ay nadagdagan din ng 2 na may kabuuan nang 63. Lima sa medical professions na pinakamaraming kaso ng COVID-19 ay mga nurses na umabot na sa bilang na 3,382; doktor na 1,858; nursing assistant na 796; medical technologists na 495 at midwife na 227.


Bukod pa rito, ilang non-medical personnel din ang kabilang dito tulad ng utility workers, security guards at administrative staff.


Sa ngayon ay may kabuuan nang 356,618 ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.