Search
  • BULGAR

Fernandez, officer-in-charge ng PSC, magtatrabaho agad

ni VA - @Sports | June 30, 2020




Mula sa Cebu kung saan sya nakabase, nagtungo ng Manila si Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Ramon Fernandez kagabi upang magsilbing officer-in-charge ng government sports agency kapalit ni chairman William “Butch” Ramirez na kasalukuyang naka-leave.

Nauna ng nag-leave of absence si Ramirez para maalagaan ang kanyang maybahay na sumailalim sa "gall bladder surgery" sa St. Luke’s Hospital sa Taguig City.

Nagpapagaling na lamang sa ngayon ang asawa ni Ramirez sa kanilang tinitigilang quarters sa PhilSports Complex sa Pasig.


Inaasahang makukuha din ni Fernandez ang kanyang official appointment mula sa Malacañang pagdating niya ng Manila.


Gayunman pagkarating niya sa Manila ay kinakailangan nyang sumailalim sa 14-day quarantine at isolation sa kanyang quarters sa PhilSports complex kung saan maaari siyang makapagtrabaho bilang OIC.


Pangunahin niyang agenda ang makipagpulong sa kanyang mga commissioners na sina Celia Kiram, Charles Maxey at Arnold Agustin upang matugunan ang mga bagay na kinakailangang aksiyunan at tugunan habang wala si Ramirez.


Kabilang dito ang posibleng pagbabalik sa training ng mga atletang naghahangad na mag-qualify sa Tokyo Olympics partikular sa combat sports na gaya ng boxing, karatedo, fencing at taekwondo sa PhilSports Complex pagkaraang ihayag ni Philippine Olympic Committee president Representative Abraham “Bambol” Tolentino na hihilingin nila sa Inter Agency Task Force (IATF) na payagan na ang mga atletang makapagsanay na muli.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.