Search
  • BULGAR

Helmet, donasyon ng virtual multi-sports Vitargo

ni Anthony Servinio - @Sports | June 30, 2020




Magsasama ang mga kilalang personalidad sa larangan ng Multi-Sports sa Vitargo's 122 For 122 ngayong Hulyo 4. Layunin ng proyekto ang lumikom ng pondo upang mabigyan ng 122 libreng helmet ang mga frontliner at mga residente ng Pasig City na nagbibisikleta papuntang trabaho sa ilalim ng tinatawag na “new normal”.


Lalangoy ng tig 12.2 kilometro sa isang pribadong swimming pool sa Laguna sina Coach Ronald Molit, Chel Temblique at Kim Gloria ng FIT.PH Triathlon Team. Sasabayan sila nina Coach Don Velasco ng Flying Don V Coaching na magbibisikleta ng 122 kilometro gamit ang stationary bike at ultra-runner Romeo Puncia na tatakbo ng 122 kilometro sa Abu Dhabi, United Arab Emirates.


Ang numerong 122 ay naisip ni Puncia bilang paggunita sa 122 taon ng kalayaan ng bansa ngayong taon subalit malakas ang paniniwala na lalampas pa ito. Maaring sabayan sila online gamit ang Zwift at lahat ng ito ay mapapanood ng live sa pahina ng Facebook ng Vitargo Philippines.


“Maganda ang pagtanggap ng komunidad, yung mga kababayan nating OFW sa UAE nangako agad ng tulong,” wika ni Julius Serrano ng Vitargo. “Sa susunod baka pwede na tayo mamigay ng helmet sa ibang mga lugar.”


Ang bawat donasyon na P600 o pagbili ng dalawang kilo ng Vitargo ay sasagot sa isang helmet na ibibigay sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig para ipamahagi. Lahat ng mag-aalay ng donasyon ay kasali sa bunutan para sa mga regalo. Sa mga detalye makipag-ugnayan sa Truvetta Corp.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.