top of page
Search
BULGAR

Ex-fiancée, lumambot na kaya? DOMINIC KAY BEA: YOU'LL ALWAYS BE MY FAVORITE MEMORY

ni Beth Gelena @Bulgary | February 14, 2024



Ipinost ni Dominic Roque sa kanyang Instagram ang pinagkakaabalahan niya matapos ang breakup nila ni Bea Alonzo. 


Sa larawan, kasama ng actor ang mga kaibigan to enjoy a couple of ball games. 


Ang isa namang picture ay makikitang nagre-relax siya with some of his friends na nasa isang cafeteria. 


Kung pa-relax-relax si Dominic after ng breakup nila ng ex-fiancée, si Bea naman ay nag-e-enjoy sa Singapore kasama ang ina at kanyang stepdad. 


Komento nga ng mga netizens, "Kung sila pa ni Bea, tiyak si Dominic ang kasama niya."

"Wala sigurong pang-travel kaya ball games na lang dito sa 'Pinas."


Kamakailan ay isang heartwarming lovely photo ang ipinost ni Dominic na nakangiti. 


Ang daming nagkomento sa kanyang larawan bilang suporta ng mga ito sa pinagdaraanan ng aktor.


Ilan naman sa mga netizens ang nakapuna sa emojis na ipinost ni Dominic sa isang Instagram reel. 


The reel was talking about letting go, and that perhaps in another life, there was a "you and me." 


At the end of the text included in the reel, there was a phrase that said, "You'll always be my favorite memory," na obviously, patungkol kay Bea.


Sa pag-amin nina Bea at Dominic sa estado ng relasyon nila, wala silang ibinigay na detalye kung ano talaga ang naging ugat ng kanilang breakup. 


Pero sa sinabing 'yan ni Dominic, lumambot kaya ang puso ni Bea?


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page