Search
  • BULGAR

ERC ipapatawag ng Senado ukol sa kontrobersiyal na singil ng Meralco

ni Lolet Abania | June 28, 2020




Matindi ang naging resulta ng billing na ginawa ng Meralco sa lahat ng consumers, dahil sa napakataas na singilin nito sa kuryente.


Ayon kay Energy Committee Chairman at Senator Sherwin Gatchalian, “Talagang nagulat at nagkaroon din ako ng bill shock… biglang sumipa ng June more than three times… ‘Dun sa huling pagdinig namin, talagang mahigpit naming sinabi na importanteng maintindihan ng tao kung ano ang binabayaran nila, basic yan… tingnan ko rin po ‘yung bill at website at pagbibigay ng eksplanasyon ng Meralco, ay talagang napakahirap intindihin… Kaya nasabi ko rin na gagawa po kami ng sulat para ipaalam sa Meralco na hindi po kami satisfied… hindi po tayo natutuwa dun sa pagbibigay nila ng pag-unawa at eksplanasyon dun po sa electricity bill on the month of June… Hintayin muna po natin ang kanilang reply pero kung hindi po tayo satisfied, magkakaroon ng pagdinig at imbitahan po natin ang ERC para bigyan-linaw din ang ganitong pangyayari.


Kumpara sa mga nagdaang buwan na singil ng kuryente sumipa ito ng mahigit sa tatlong beses na dapat bayaran.


“Basic po yan dapat maintindihan natin ang bill natin... Kaya ang immediate po natin na gagawin ay hingan po natin ng mas malinaw na eksplanasyon ang Meralco, ‘yun naman po ang kanilang responsibilidad at hindi naman po puwede na papadalhan ng bill at i-expect na magbayad na lang po tayo… Ang gagawin po natin susulatan ang Meralco… at hihingi po tayo ng eksplanasyon sa Energy Regulatory Board para maging malinaw po sa ating mga kababayan,” dagdag pa ni Gatchalian.


Ayon pa kay Gatchalian, dapat na ipalinawag ng Meralco kung paano nagresulta ang ganito kalaking billing ng bawat consumer. Hihingin din muna ang kanilang eksplanasyon bago tuluyang magbayad ng nakunsumo.



Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.