Search
  • BULGAR

Equity subsidy para sa mga PUV driver at Operator, dodoblehin

ni Thea Janica Teh | June 26, 2020




Sa pagpapalit ng modernized at standardized jeepneys, minabuti ng Department of Transportation (DOTr) na doblehin ang equity subsidy ng bagong sasakyan mula Php80,000 to Php160,000 para sa mga PUV driver at operator.


Pinirmahan kahapon ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang probisyon na Department Order 2018-016 patungkol sa affordability ng modern PUV unit at financial viability ng programa para sa mga driver at operator kasama na ang Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).


Ito rin ang pagsagot sa inilabas na pahayag ng Malacañang na ang mga “roadworthy” lamang ang maaaring magbalik-pasada sa susunod na linggo.


Ang Php160,000 per PUV unit ay para sa mga operator na may valid franchise gayun din sa mga PUV operator na nag-apply para sa bagong ruta sa ilalim ng Omnibus Franchising Guidelines.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.