Search
  • BULGAR

Ekstensiyon sa maternity leave, wala nang karampatang bayad o suweldo

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | June 27, 2020


Dear Chief Acosta,

Ako ay anim na buwang buntis sa aming unang anak ng aking asawa. Ngunit ngayon pa lamang ay nangangamba akong walang mapag-iwanan ng aking bagong silang na sanggol pagkapanganak ko dahil meron akong regular na trabaho. Nais ko sanang malaman kung ilang araw ako puwedeng lumiban sa aking pinagtatrabahuan bilang kawani ng gobyerno at kung ako ay makatatanggap ng suweldo. Maaari ba ako mag-extend ng pagliban at piliing alagaan ang aking anak? – Jessa

Dear Jessa,

Sa ilalim ng Republic Act No. 11210 o mas kilala bilang “105-day Expanded Maternity Leave Law” pinalawig ang maternity leave ng isang bagong panganak sa 105 na araw. Bukod dito ay makatatanggap ang nanay ng kanyang kabuuang sahod sa loob ng 105 araw. Ito ay malinaw na nakasaad sa nasabing batas:


“Section 4. Maternity Leave for Female Workers in the Public Sector.— Any pregnant female worker in the government service, regardless of employment status, in National Government Agencies (NGAs), Local Government Units (LGUs), Government-Owned or -Controlled Corporations (GOCCs), or State Universities and Colleges (SUCs), shall be granted a maternity leave of one hundred five (105) days with full pay regardless if the delivery was normal or caesarian: Provided, That, in case the employee qualifies as a solo parent under Republic Act No. 8972, or the “Solo Parents’ Welfare Act”, the employee shall be paid an additional maternity benefit of fifteen (15) days. An additional maternity leave of thirty (30) days, without pay, can be availed of, at the option of the female worker: Provided, further, That, the head of the agency shall be given due notice, in writing, at least forty-five (45) days before the end of her maternity leave: Provided, finally, That no prior notice shall be necessary in the event of a medical emergency but subsequent notice shall be given to the head of the agency.

Alinsunod din sa batas, ikaw ay binibigyan ng karagdagagan tatlumpung (30) araw o isang buwang extension ng leave upang makapag-alaga ng iyong sanggol, ngunit dapat mong tandaan na ito ay wala nang karampatang bayad o suweldo. Sa ilalim ng batas, ikaw ay pinaaalalahanan din na kailangang magsumite ng maternity notification sa pamamagitan ng pagsulat sa pamunuan ng ahensiyang iyong pinagtatrabahuan tatlumpung (30) araw bago ang leave kaakibat ang sertipikasyon mula sa doktor.


Sana ay nasagot namin ang inyong katanungan. Tandaan na ang aming opinyon ay nakabatay lamang sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin. Maaaring maiba ang aming opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.