Search
  • BULGAR

Drug den sinalakay, 5 tulak arestado

@Balitang Probinsiya | July 01, 2020



PAMPANGA—Limang drug pushers ang naaresto sa isinagawang pagsalakay ng mga awtoridad sa isang drug den kamakalawa sa Bgy. Calulut, San Fernando City.


Ang mga suspek ay nakilalang sina Jerome Santiago, Sarah Santiago, Carlo Galang, Leonel Galang at Ronron Yumol, pawang residente sa nasabing lungsod.


Ayon sa ulat, may natanggap na impormasyon ang mga awtoridad na nagbebenta ng shabu ang mga suspek kaya agad nilang sinalakay ang bahay na ginagawang drug den sa naturang barangay at dito naaresto ang mga drug pusher.


Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 30 gramo ng shabu at isang pakete ng marijuana sa pag-iingat ng mga suspek.


Nakapiit na ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.