Search
  • BULGAR

Drivers at traffic enforcers, dapat parehong i-seminar

@Editorial | July 01, 2020



Ang pagmamaneho ay isang pribilehiyo na may kaakibat na malaking responsibilidad.


Hindi lang sariling buhay ang nakataya kundi maging ang mga nakakasabay sa kalsada.


Isang pagkakamali o paglabag sa batas-trapiko ay maaaring mauwi sa trahedya. Bagay na tila hindi sineseryoso ng ibang drayber kaya patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga kaso ng pagkamatay sa lansangan.


Ang siste, may mga aplikante na kapos ang kaalaman sa mga road signs, speed limit at road marking, pero walang kahirap-hirap na nakakakuha ng lisensiya — parang bumibili lang sa tindahan.


Kaya nang ianunsiyo ng Land Transportation Office (LTO) na simula Agosto 3, ay dapat sumailalim na sa 15-hour theoretical driving course ang mga kukuha ng student permit, kahit paano ay nabuhayan tayo ng pag-asa na mawawala o mababawasan man lang ang mga pasaway na driver. Sa nasabing seminar ay pag-uusapan ang mga batas at regulasyon sa pagmamaneho.


Pero, higit sa kaalaman sa mga batas-trapiko ang pagkakaroon ng disiplina ang isa sa pinakamahalaga at dapat matutunan ng bawat drayber. Walang silbi kahit kabisado mo ang mga batas kung hindi mo naman sinusunod.


Samantala, bukod sa pagkakaroon ng seminar sa mga driver, siguro ay dapat ding mas paigtingin ang sa mga traffic enforcers. Kapansin-pansing may ibang bantay na naninita pero, hindi sigurado sa batas na ipinatutupad.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.