Search
  • BULGAR

‘Di seryoso sa dalawang bf, gusto pa ring malaman kung sino ang ka-compatible at seseryosohin

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| June 27, 2020



Dear Maestro,

Dalawa ang boyfriend ko ngayon, ‘yung una ay isinilang noong November 15, 1994 at ‘yung ikalawa naman ay isinilang noong February 18, 1990. Sino sa kanilang dalawa ang ka-compatible at makakatuluyan ko? Hindi naman ako seryoso sa kanila, parang bestfriend lang ang turing ko at close friend lang talaga kami, pero minsan ay iniisip ko ring seryosohin ang isa sa kanila. Kaya sana ay matulungan n’yo ako sa tamang pagpili ng magiging boyfriend dahil 26-anyos ako noong June 26.

Umaasa,

Annalisa ng Talaba, Bacoor, Cavite

Dear Annalisa,

Kung purong Astrology ang pag-uusapan, ka-compatible ng zodiac sign mong Cancer na pinangingibabawan ng elementong tubig o water ang isinilang sa zodiac sign na Scorpio o ‘yung may birthday na November 15, 1994.


Sapagkat ang Scorpio ay tulad ng Cancer na pinanginibabawan ng elementong tubig at sa Western Astrology, ang dalawang tubig o water ay compatible sa isa’t isa.


Kung Numerology naman ang pag-uusapan, ang birth date mong 26 o 8 (ang 26 ay 2+6=8) ay strong number, habang ang 15 o 6 (ang 15 ay 1+5=6) na birthday ng unang boyfriend mo ay strong number, ngunit sa pang-istatistikang batayan, maraming isinilang sa petsang 8, 17 at 26 ay nakatuluyan silang mga isinilang sa petsang 6, 15 at 24, lalo na kung ang dalawang indibidwal o kahit isa sa kanilang dalawa ay mataba, bilugan ang hugis ng mukha o may pagka-chubby, sila ngang dalawa (ang Taong Otso at Sais na ito) ang madalas nagkakasama at nagkakatuluyan.


Gayunman, sa kabilang banda, dahil 18 o 9 (ang 18 ay 1+8=9) ang birthday ni February 18, 1990, habang 8 ka naman, medyo compatible rin kayo, sapagkat ang nine (9) ay sadyang nagiging malapit sa mga Taong Otso tulad mo.


Dahil sa Numerology lang kayo magkatugma ni February 18, 1990 at hindi kayo compatible sa Astrology, sapagkat ang Aquarius na zodiac sign niya at Cancer ka naman ay hindi compatible, tulad ng naipaliwanag na, higit pa ring matimbang at magiging malakas ang dating at hatak sa iyo ng lalaking isinilang noong November 15, 1994.


Sa matuling salita, Annalisa, sa dalawang itinatanong mong birthday na November 15, 1994 at February 18,1990 kung sino ang ka-compatible at makakatuluyan mo, maliwanag ang tugon. Si Mr. November 15, 1994 ang katugma at makakatuluyan mo sa panahong nagpasya ka nang mag-boyfriend, mag-asawa at bumuo ng simple ngunit masaya at panghabambuhay na pamilya, na nakatakdang mangyari sa 2021 o 2022 sa edad mong 27 pataas.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.