Search
  • BULGAR

‘Di na mukhang heartthrob… JAMES, TUMABA NA, MAHABA PA ANG BUHOK

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | October 16, 2020




Halos hindi namin nakilala si James Reid sa bago niyang commercial na lumalabas na. Bukod kasi sa nag-mature na ang hitsura niya, medyo tumaba pa ang kanyang mukha at mahaba ang buhok! Malayung-malayo na sa dating James Reid na kinakiligan noon ng mga teen-agers niyang tagahanga. Hindi na siya mukhang teen idol at heartthrob.


Nanahimik na rin ang mga dati niyang tagahanga dahil matagal din na wala siyang pelikula at TV exposure.


Umalis na si James Reid sa Viva Artist Agency kaya wala na siyang movie projects ngayon. ‘Pag nagtagal-tagal pa na hindi na siya napapanood sa television at pelikula, tiyak na makakalimutan na siya ng publiko.


Kailangan na i-repackage ang imahe ni James Reid kung sino man ang susunod na magma-manage sa kanyang career. Kung magiging choosy at pasaway pa siya, mahihirapan nang bumalik ang dating kinang ng kanyang showbiz career.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.