Search
  • BULGAR

Darna, 'di na raw "lipad" kundi "lapad"…RITA: SA MGA NAMIMINTAS KAY ANGEL, KAWAWA NAMAN KAYO!

ni Nitz Miralles - @Bida | June 28, 2020




Ipinagtanggol ni Rita Avila si Angel Locsin sa mga namba-body shame sa aktres dahil nadagdagan ang timbang nito. May nag-post pa nga ng photo ni Angel na nakasuot ng Darna costume at sa halip na “Lipad, Darna” ay “Lapad Darna” ang caption at ang same photo ni Angel ang in-e-mail kay Rita, kaya may comment dito ang aktres.


“Natanggap ko ang picture na ito ni @therealangellocsin as Darna. Ni-crop ko lang dahil 'di ko alam ang tunay na dahilan ng nagpadala ng buong picture ng present body shape niya in a Darna costume. Ang sabi ko sa nagpadala ay maganda ang pagtanggap ni Angel sa kanyang katawan. Sa mga makapintas lang, kawawa naman kayo.


"So many celebrating Angel’s confidence and acceptance. Siya, MASAYA at MABUTI. Eh, kayo? Sa gitna ng Covid-19, mga sakit, gutom at kawalan ng hanapbuhay, bibig at malisyosong isip n'yo ay gumagana pa rin. Saklap.”


Tama ang comment ng mga netizens na katawan lang ni Angel ang nagbago, hindi puso at ugali, dahil tuloy pa rin ang pagtulong nito sa mga nangangailangan.


Dahil sa project nila ni Anne Curtis na Shop and Share, nakapagpa-test na sa Red Cross ang ilang grupo ng jeepney drivers at operators para handa na sila sakaling mabigyan ng go signal na makabiyahe uli.


Samantala, ang nabasa namin, hindi sa November kundi sa December na ang kasal nina Angel at Neil Arce, pero hintayin pa rin natin kung mababago ang desisyon ng engaged couple lalo’t tumataas pa rin ang bilang ng infected ng Covid-19 sa bansa.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.