Search
  • BULGAR

DA, ginisa ni Sen. Villar sa fertilizer scam

ni Ronalyn Seminiano Reonico | October 17, 2020




Kinuwestiyon ni Senator Cynthia Villar ang Department of Agriculture (DA) dahil tila mas nais umano ng ahensiya na gumamit ng inorganic kaysa organic fertilizers kahit na madalas itong ma-scam.


Sa ginanap na Senate hearing noong Biyernes para sa proposed P86.3-billion budget ng DA sa 2021, napansin ni Villar ang ilang pagbabago sa pondo para sa Bureau of Soils and Water Management (BSWM).


Saad ni Villar, “One of my advocacies is to ask the people to produce their own organic fertilizer, and I noticed na dito sa BSWM na nag-i-implement n’yan, ibinagsak n’yo ‘yung budget, from P1.6 billion, naging P596 million.


“I-revise n’yo ang budget na ito. This is just a proposal. I want you to revise this budget. Hindi puwede ‘yung ika-cut n’yo ang budget ng Bureau of Soils and Water Management.”


Paliwanag naman ng DA, binawasan nila ang budget ayon sa rekomendasyon umano ng Department of Budget and Management (DBM). Samantala, kinuwestiyon ni Villar ang DA dahil umano sa malaking budget na ilalaan sa pagkuha ng inorganic fertilizers.


Aniya, “Bakit ang dami-dami ninyong budget sa inorganic fertilizer? Ayaw ninyong bigyan ng chance ang organic fertilizer na mag-improve sa bansang ito. Parang mali naman ‘yun.


Samantalang hindi naman popular ang fertilizer na ‘yan, palaging may fertilizer scam. “Siguro, hindi popular sa inyo.


Mas gusto n’yo na bumili ng inorganic fertilizer. Palagi naman kayong nai-scam doon. Bakit gustung-gusto n’yo ‘yun?”


Hinikayat din ni Villar ang mga magsasaka na mag-produce ng sariling fertilizers upang maiwasan na umano ang fertilizer scam.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.