Search
  • BULGAR

COVID vaccine ng Russia at China, oks kay P-Du30

ni Lolet Abania | September 15, 2020



Hindi kinagat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hirit ng ilang pharmaceutical companies sa ibang bansa na dapat munang magbayad ang gobyerno para sa dinedebelop na bakuna kontra COVID-19 bago nila ito ibigay.


Sa briefing na isinagawa ngayong gabi sa Palasyo, nabuwisit ang pangulo sa gustong mangyari ng mga naturang kumpanya na gumagawa ng bakunang panlaban sa COVID-19. "Profit, profit, profit!" mariing hirit ni P-Du30 dahil aniya ay puro kita ang iniisip ng mga Western companies na gumagawa ng bakuna.


Dahil dito, binigyang prayoridad ng pangulo ang bakunang manggagaling sa Russia at China basta matiyak lang diumano na maganda ang kalidad nito tulad ng mga nauna nang brand sa merkado.


“That’s the one thing that’s wrong with Western companies. Kaya sabi ko we will give preference to Russia and China provided that their vaccine is as good as any other in the market,” sabi ni P-Duterte.


“Kung sabihin mo na, sige wala pa ‘yung vaccine, there is nothing with finality and you want us to make the reservation by depositing money, you must be crazy!” dagdag niya.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.