Search
  • BULGAR

COVID-19 positive na ina, maaaring maipasa ang virus sa kaniyang baby

ni Thea Janica Teh | July 10, 2020




Ayon sa ilang scientist sa Paris, maaaring mapasa ng isang ina ang virus sa kaniyang unborn child.


Pinag-aralan ng researcher sa Italy ang 31 buntis na naospital dahil sa COVID-19. Nakita ang virus sa placenta, umbilical cord, sa vagina at sa breast milk.


Nakakita rin umano ang mga ito ng antibody sa ilang buntis sa kanilang umbilical cord at milk specimen.


Ibinahagi ni Claudio Fenizia, ang lead study author mula University of Milan na natuklasan nilang possible ang mother and infant transmission. Ngunit, sinabi ni Fenizia na sa mga ipinanganak na sanggol sa panahon ng pandemic, wala pa itong naitatalang nagpositibo sa COVID-19.


"Although in utero transmission seems to be possible, it is too early to clearly assess the risk and potential consequences," dagdag niya.


Sinabi ng World Health Organization (WHO) noong isang buwan na maaari pa ring ituloy ng ina ang pagpapasuso sa kaniyang anak kahit na ito ay nagpositibo sa virus. Ayon kay WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus, mababa ang risk ng mga baby sa virus na ito at mas mataas sa iba pang sakit na kayang labanan ng breastfeeding.


Bukod pa rito, sinabi rin ni Fenizia na ang pag-aaral na ito ay para mabigyan tayo ng awareness at paglaananan ng pansin ang mga buntis na nagpositibo sa virus. "I believe that promoting prevention is the safer advice we could possibly give right now for these patients."

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.