Search
  • BULGAR

Karapatan ng isang author

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | July 01, 2020


Dear Chief Acosta,

Nagsulat ako ng tula patungkol sa mga hirap na dinanas ng maralitang estudyante upang matapos niya ang kanyang pag-aaral. Nagustuhan ito ng aking propesor at napagkasunduan naming i-publish ito sa diyaryo ng aming unibersidad. Matapos ang ilang linggo ay nailathala ang aking tula, subalit laking gulat ko nang hindi nakalagay sa nasabing diyaryo ang pangalan ko bilang may-akda ng tula. May karapatan ba akong magreklamo sa diyaryo ng aming unibersidad sa hindi nila paglalagay ng pangalan ko bilang author ng aking tula? – Allain

Dear Allain,


Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong katanungan ay ang Section 193.1 ng Republic Act (R.A.) No. 8293 o mas kilala sa tawag na Intellectual Property Code kung saan nakasaad na:


“Section 193. Scope of Moral Rights. - The author of a work shall, independently of the economic rights in Section 177 or the grant of an assignment or license with respect to such right, have the right:

193.1.	To require that the authorship of the works be attributed to him, in particular, the right that his name, as far as practicable, be indicated in a prominent way on the copies, and in connection with the public use of his work; (Binigyang-diin)

Sang-ayon sa nabanggit, kung isasapubliko ang kanyang akda, mayroong karapatan ang author na ipalagay ang kanyang pangalan sa mga kopya ng kanyang nilikha bilang may-akda o nagsulat nito. Ibig sabihin, bilang may-akda ng nasabing tula, mayroon kayong karapatan upang ipalagay sa diyaryo ng inyong unibersidad ang inyong pangalan bilang author ng inyong akda, at maaari kayong magreklamo sa paglabag nila ng inyong karapatan.


Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.