Search
  • BULGAR

Convenience store, nilooban

ni Levi Gonzales | June 24, 2020




Pinasok ng dalawang armadong kalalakihan ang isang conveniece store sa Lipa City, Batangas.


Alas-8:33 ng umaga nang magpanggap munang kustomer ang dalawang suspek.

Agad nilang tinungo ang kahera ng Alfa Mart Convenience Store sabay tutok ng baril saka nagdeklara ng holdap.


Pinabuksan sa kanya ang main vault kung saan agad nilimas ang perang nasa loob nito bago ikinulong sa storage room ang mga empleyado. Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.