Search
  • BULGAR

Construction site sa BGC naka-lockdown, 6 may COVID-19

ni Thea Janica Teh | June 24, 2020




Isang construction site sa Bonifacio Global City sa Taguig ang nakasailalim na sa localized lockdown simula June 23-July 7, 2020 dahil ilan sa mga trabahador doon ay nagpositibo sa COVID-19.


Agad na sinunod ng munisipalidad ng Taguig ang rekomendasyon ng kanilang Safe City Task Force dahil 27 construction workers ang nilalagnat sa site kaya ito at naging kabilang na sa suspected COVID-19 case.


Sa 27 manggagawa, napag-alamang 6 rito ang nagpositibo sa virus. Bukod pa rito, nauna ng nag-imbestiga ang Taguig City Epidemiology and Disease Surveillance Unit noong June 18. Nakita nilang ang mga manggagawa ay infected din ng dengue, typhoid at Zika virus.


Agad na ipinag-utos ng Taguig LGU sa kapulisan at BGC Marshalls na isara ang site. Sinabi rin nito na maingat nilang babantayan ang kalusugan ng mga quarantined construction worker. Sa ngayon, mayroon ng 714 confirmed case ng COVID-19 sa Taguig, 21 ang namatay at 142 ang gumaling.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.